Revenge Bumaba rin naman si Kaedy, wala na masyadong imik sa akin at sumabay sa inihandang lunch ni Mommy para sa amin. We ate silently pero si Mommy madalas ang nagsasalita at nagtatanong ng kung ano-ano. Kaedy will just look at me coldly tapos iiwas ulit ng tingin. I appreciate Mom's effort on that day. Mas ramdam ko nang wala siyang kinakampihan sa pagitan namin ni Kaedy pero ramdam ko rin ang pagiging cold sa akin ng kapatid ko. Hindi ko na masyadong prinoblema ang bagay na iyon at umuwing walang dalang mabigat na bagahe sa aking sarili. Kaizen texted me that day. Hindi ko lang masyadong nacheck ang aking cellphone pero nag-iiwan siya ng mensahe sa akin, nagtatanong ng kung ano-ano. Kaizen: Tell me if you want me to fetch you. Iyon ang huli niyang text na nabasa ko na pagkapasok

