No Choice Pagkatapos rin naman naming kumain ni Javier ay hinatid niya rin ako pauwi. Kinalas ko ang seatbelt habang nauna naman siyang lumabas ng kotse. Tiningnan ko saglit ang kanyang pag-ikot pero ibinalik ko rin sa paanan at kinuha ang aking gamit doon. Binuksan niya ang pinto at inalalayan akong lumabas. "See you next weekend?" Tumango ako at ngumiti. "See you and thanks sa..." Mataman siyang tumitig sa akin, dahan dahang inilapit ang mukha. I waited for him until he lightly brushed his lips with mine. Mabilis lamang iyon na halik, lumapat lamang saka siya humiwalay. "I can treat you again if you want..." Sumilay ang nanunuyang ngisi sa kanya kaya tumawa ako. "Okay." Hinaplos ko ang buhok at tinanaw ang bahay nina Lola na bukas pa ang ilaw sa labas. "Thanks again, Javier," sa

