Annoyed Naging tahimik ako sa byahe. Si Kaizen naman ay nagta-tap ang mga daliri sa manibela at nakasentro ang tingin sa kalsada. Hindi naman mapakali ang mga mata ko, gustong lumingon sa kanya na ewan. "Anong gagawin mo sa Mall?" biglaan niyang tanong, sa wakas ay binabasag ang katahimikan. "Uh, I'll buy some dress since launching later ng Akira," sabi ko. "Akira? Iyong shoe brand and footwear na iniendorse mo?" Tumango ako. "I just finished my commercial," sabi ko at nilingon siya, nakatitig na sa kanyang side profile. Unti-unting umawang ang kanyang labi, bumagal ang pagpapatakbo hanggang sa maabutan kami ng red light. May kung ano siyang tinititigan sa taas. "Yan ba?" tanong niya. Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita sa isang malaking billboard ang aking sarili. Nadatnan k

