Kakaiba "Fresh from the bath at amoy na amoy ang showergel ah? May pinaghahandaan ka?" tanong ni Yezhxia nang makalabas ako ng banyo at malawak agad ang ngisi. Umalis narin si Mommy kaninang 6pm. She told me babalik ulit siya rito. I told her I'm quite busy since natanggap na ako but she still insisted na bumisita. My place is not close for her kaya tumango nalang ako. Umirap ako kay Yezhxia at pumasok sa walk-in. Sumipol naman siya, ayaw akong tantanan. "H'wag kana lang masyadong mamimili ng magandang damit, Keyla. Malay mo huhubaran ka lang rin pala ni Kaizen." Humagalpak agad siya roon sa kama, katext ang abnoy na si Raiden. "I'm not going to wear any undies if that's the case," pagbibiro ko narin at ngumisi. "Grabeng pagpipigil ni Kaizen sa'yo! Nakakabilib," aniya. Nakakabilib n

