Ako Nalang Ulit Pagbalik ni Kaedy at Elle, ang napansin ko agad ay ang namumutla kong kapatid. Elle is still smiling innocently. Umupo rin naman sila sa kanya-kanya nilang silya. Napapagitnaan ako ni Kaedy at Mommy kaya kinalabit niya ito sa likod. "Kaedy, is there a problem?" tanong ni Mommy, marahil ay napansin rin iyon. Umiling si Kaedy. "I am not feeling well, Mommy... Baka pwedeng... umalis na tayo agad?" mahinang bulong ni Kaedy. "May problema ba?" tanong ni Tita Ellie nang mapansin ang kanilang pag-uusap. "Oh, nothing... I'm just concern with my daughter..." ani Mommy at nginitian si Tita Ellie. Makahulugan agad ang iginawad niyang tingin kay Elle na umiinom na ng juice. "Elle?" tawag ni Tita Ellie. "We just talked..." ani Elle na tila may pinagtatakpan pa. "Ano 'yon?" si

