As Friends It's sunday. Maaga akong nagising lalo na't pinatawag ako ni Mommy na sabayan sila ni Kaedy sa breakfast. Nagtungo rin naman ako roon, suot ang nipis na longsleeve and my pantyshort. Ang mahaba kong mga biyas ang agarang sinulyapan ni Kaedy nang sumulpot na ako roon. "Keyla," Mom smiled at me. "Morning Mom..." Nagtungo ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. Sinulyapan ko rin ang aking kapatid. "Morning..." Tumango si Kaedy at ngumiti. Umupo na ako. Napagod ako kahapon sa photoshoot kaya halos humikab pa ako sa hapag. Uminom ako ng juice para maibsan ang antok at kumuha ng pancake 'tsaka hotdog. Mas mahilig ako sa pancake bilang breakfast lalo na't doon rin ako nasanay noong bata pa ako. Daddy used to bake some pancakes for me... "I've heard mas nadagdagan ang mg

