Finally Dispose him, Keyla. Ugh. Napairap nalang ako sa text ni Raiden kinaumagahan pagkagising ko. Nagtipa ako ng mensahe. Ako: You're the one I need to dispose, Raiden. We already broke-up. Bye. Saka ko siya b-in-lock. Medyo masakit ang aking ulo dahil sa hangover pero not really dahil kontrolado ni Kaizen kagabi ang aking pag-inom. Tuluyan akong bumangon only wearing my sando and panty. Lumabas ako at nadatnan ang mga maids na nililinis lahat ng kalat na bakas kagabi ng party. Papunta na sana ako sa kitchen nang makita ko sa may patio sa pool area si Kaedy and she's having her breakfast. Wala siyang shoot ngayon? Sinenyasan ko nalang ang maid na doon narin ako kakain saka ako nagtungo palabas. Umupo ako sa kanyang harapan. Halatang sabog ito dahil sa hangover kagabi. She's ha

