Babae Ko Umalis rin naman kami sa table nila Mommy at pumasok sa loob ng bahay. Mas marami roon ang mga kaedad namin, puro mga models at may nakikita rin akong mga circle of friends ni Kaedy. "Keyla!" Tinawag ako ni Hailey, pinsan ni Raiden na nakasuot ng itim na long dress. Ngumiti agad ako sa kanya. She's with Kaedy's friends. Pansin na pansin ko kung paano lumuwa ang kanilang mga mata kay Kaizen. Pasimple kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso lalo na't ang rami nang nakatitig sa kanya. "You look so effing pretty!" Pinasadahan ako ng tingin ni Hailey, mula ulo hanggang paa. "Thanks, Hailey... Uh, si Kaizen pala. Boyfriend ko," pagpapakilala ko at medyo nilakasan ang salitang iyon nang matigil iyong iba sa paninitig. "I know him, Keyla. He's Ken's cousin." Humagikhi

