It Hurts "Thank God!" Nakahinga agad ako ng maluwag nang matapos ang aking shoot. "Ang saya-saya! Dadalawin mo na ang boyfriend mong si Kaizen?" Nanunuya ang boses ni Cholo sa akin habang naglalakad ako patungo sa fitting room to change my clothes. "Inggit ka ba?" Nilingon ko siya at nginisihan. "Sige lang... Ipagpatuloy mo 'yan Keyla nang maadik ka!" Tumawa siya kaya umirap ako. "Whatever!" He mimicked my 'Whatever' in a most oa way kaya mas lalo lamang akong natawa. Gay at it's finest. I wore my tulle symphony dress paired with black boots. Sinuklay ko ang nakalugay kong buhok habang lumalabas dala-dala ang aking maliit na purse kung nasaan rin ang aking cellphone. "Sexy mo. Baka maakit si Kaizen at mang-init 'yon lalo... I mean mas lumala ang lagnat," ani Cholo, hindi na matigil

