Hindi maganda ang panahon ngayon. Makulimlim rin ang paligid at maagang dumilim. Tila ba nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan at sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Napapikit ako. Naalala ko kasi ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Sir Xander ng gabing may nangyari sa amin dito mismo sa bahagi ng bahay kung saan ako nakaupo ngayon. Malalim na ang gabi, pero hindi pa rin bumabalik si Sir Xander. Ilang oras na ang lumipas, pero wala akong ideya kung kailan siya babalik dito sa bahay, lalo na at wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta, which is sanay na ako, dahil laging ganito naman ang nangyayari. Basta na lang siya aalis at babalik. Masyadong pribado rin ang mga details ng mga lakad niya, na kahit ang mga tauhan ni Sir Xander ay hindi alam kung saan siya galing,

