"Miss Chanel, Boss Alexander won't simply accept any visitors without an appointment," paliwanag ni Miss Sylvia sa kaharap. "I don't need to take any appointments. You know who I am, old lady, and soon, once I get married to Alexander, you're the first one I'm going to throw outside of this house if you stop me!" Galit na galit at bulyaw ng babaeng hindi ko pa man nakikita ang mukha, alam kong hindi siya Pinay dahil sa kanyang pananalita. Dahil sa narinig ko ay naitakip ko ang kanang kamay ko sa bibig ko at nag-sumiksik sa likuran ng pader na pinag-kukublihan ko. Siya pala ang babaeng pakakasalan ni Sir Xander at ngayon ay narito sa bahay niya at hinahanap siya. Nakaramdam ako ng napakalas ka kabog sa dibdib ko. Bumilis ang tîbok ng puso ko at nagkaroon ng takot, ngayong narito na ang

