"Manahimik ka, unahin mo ang problema mo sa tatay mo," aroganteng sagot ni Sir Xander sa kaibigan. Akala ko mapipikon si Jared pero ngumisi lang ito at pagkatapos ay binati ako. "Kaya pala malakas ka pa, kasi mukhang alaga ka ni Avery," sabi pa ni Jared kaya nag-init ang magkabilang pisngi ko. "Tigilan mo ang asawa ko, Laxamana. Bakit ka ba narito?" Mukhang iritable na naman si Sir Xander at lalo siyang iniinis ni Jared. Si Declan naman ay seryosong nakaupo sa single sofa na kinauupuan niya, habang si Dexon ay inaantok at tila bored at walang pakialam sa paligid. Mabuti na lang at gwapo ang isang ito, kaya kahit mukhang malamig pa sa yelo ang emosyon ay attractive naman at bagay sa kanya. Nakatingin ako kay Dexon ng lumapit ang mukha sa akin ng katabi ko at may sinabi. "Stop staring

