Naging mag-bestfriend na silang dalawa at natutuwa akong makitang going strong ang friendship nila. Hindi ako nakatiis, tinawagan ko si Harlen para kumustahin siya. Matinis na tinig ni Harlen ang bumungad sa akin mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag ko. "Kumusta, madame? Mabuti naman at naalala mo akong tawagan at hindi text message lang ang natanggap ko," maarteng sabi agad ng kaibigan ko. Natawa tuloy ako, pero sanay na akong ganito si Harlen. "Malapit na ang birthday mo, Aves. Anong balak mong gawin? Gusto mo bang mag-celebrate tayo dito sa bar?" Oo nga pala, sa dami ng mga iniisip ko nitong mga nakaraang buwan, nakalimutan kong malapit na nga pala ang birthday ko. "Wala pa akong plan tungkol d'yan, Harlen. Isa pa, hindi pa namin napag-usapan ni Xander. Nakakahiya na

