"Hindi po, ate. Masaya nga ang sumakay sa ganito," natutuwang sagot ni Ailee. Si Aila naman, panay ang kuha ng mga pictures, gamit ang mamahaling cellphone na binigay ni Sir Xander sa kanya. "Are you guys all okay here?" tanong ni Sir Xander sa amin. "Opo, kuya." Halos sabay-sabay na sagot ng mga kapatid ko. Tumingin si Sir Xander sa akin, kaya tipid na ngumiti ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko, habang nasa likuran naman namin ang mga kapatid ko. "Mabuti pa siguro, sa tabi ako ni Ailee maupo, Xander," mahinang sabi ko sa kanya, dahil nag-aalala ako na baka matakot ang bunsong kapatid ko kapag lumipad na ang chopper at kabahan siya. Hindi iyon maganda para sa kondisyon ng kapatid ko. Nag-iingat lang ako, dahil bawal kay Ailee ang makaramdam ng takot at labis na kaba. "Alright, d

