"Oo, ang ganda dito," natutuwang sagot ko. "We can stay here, hanggang gusto mo," sabi niya, kaya napangiti ako. "Thank you, Xander," may ngiti sa labi na sabi ko. Pinisil lang niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. Niyaya akong umakyat sa second floor, kung saan naroon daw ang magiging silid namin. Si Melanie na raw ang bahala sa mga kapatid ko. Panatag naman ako, dahil bukod sa malalaki na sila ay personal rin silang inaalagaan ng kasambahay ni Sir Xander. "Pahinga ka muna. Kapag okay ka na mamaya, pwede tayong maglakad-lakad sa dalampasigan. Maganda ngayon ang weather," sabi ni Sir Xander ng makapasok kami sa silid. Tama siya, presko at sariwa ang hangin. Kahit hindi nakabukas ang aircon at tanging ang mga bintana lamang ang bukas ay masarap sa pakiramdam. "May kailangan ka bang

