Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Nakapag-isip ako at nauunawaan ko kung bakit niya ito nasabi ngayon. Ganito rin kasi ang nakita kong paninindigan ni Miss Sylvia, ang mayordoma ni Xander sa bahay ng sumugod doon si Chanel, kahit may nakatutok na baril sa ulo niya. Hindi ako p'wedeng maging mahina at panghinaan ng loob. Kung ganito ang paninindigan nila, dapat gano'n rin ako. Mukhang lahat ng mga tauhan ni Xander ay katulad rin nito ang mindset nila, kaya lumakas ang loob ko. "Salamat, Dimple. Napakalaking tulong ng mga sinabi mo, para maliwanagan ako. Pasensya ka na, sobrang nalilito talaga ako ngayon, lalo na at nasa ganitong sitwasyon ang kapatid ko," nahihiyang sabi ko sa kanya. "Huwag mo ng isipin 'yan, Miss Avery. Nandito ako para bigyan ka n

