"Kumusta si Ailee?" tanong ko kay Melanie. "Maayos naman po, ma'am. Magana siyang kumain ng tanghalian, pati hapunan at nainom na rin po niya ang lahat ng gamot niya kanina." Nakahinga ako ng maluwag at napanatag ang loob ko. Malaking bagay na narito kami sa poder ni Xander ngayong may sakit na naman si Ailee, dahil naalagaan siyang mabuti. Hindi rin kami hirap sa medical treatments at bills niya at may maayos na bahay, kaya lang, panganib rin ang hatid nito sa amin, habang dito kami nakatira. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, habang mahinang naglalakad palapit sa kamang hinihigaan ni Ailee. Komportable siya at inaalagaan namin, kaya sana gumaling na siya ng tuluyan. Ang sabi naman ni Amara, four times a week, pupunta dito sa bahay ang mga doktor ni Ailee para person

