Sapo ang ulo na tumango ako. "Pwede mo ba akong ikuha ng tubig?" mahinang tanong ko. Inalalayan niya akong makaupo sa upuang kaharap ng mesa at agad nagsalin ng tubig at inabot sa akin. "Heto po, ma'am. Uminom ka muna." Mabilis na inabot ko ang baso at nanginig ang kamay na dinala malapit sa labi ko. Ito ang ayaw ko kapag nalilipasan ng gutom dahil nanghihina talaga ako. "Salamat, okay na ako," nahihiyang sabi ko, dahil nakita ako ni Carla sa ganitong sitwasyon. "Sandali po, ma'am. Ikukuha muna kita ng pagkain mo." Mabilis nawala sa tabi ko si Carla at hindi nagtagal, bumalik na may dala ng tray na puno ng pagkain. Kahit masakit at ulo at nanghihina, pakiramdam ko ay sumigla ako ng naamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain na nanunuot sa ilong ko. Bumaling ako sa katabi kong kasamb

