Ngumiti ako sa kanya ay umupo katabi niya. "Okay na ako, Melanie. Nakatulog na ako maghapon at kagigising ko lang ngayon." Wala siyang magawa kung 'di sundin ako. Magalang na nagpaalam sa akin si Melanie at pagkatapos ay lumabas na dito sa silid ng mga kapatid ko. Naiwan akong mag-isa na nagbabantay. Hangga't hindi ako nakakasiguro na maayos na talaga ang lagay ng kapatid ko, ayaw kong maiwan siyang mag-isa. Mabuti na lang at pang-gabi sa trabaho si Harlen. Ka-chat ko siya kapag walang customer sa coffee shop. Gusto na raw niya mag-resign sa trabaho para lumipat sa bar ni George, kaya lang, gwapo raw ang bagong boss niya, kaya ayaw niyang iwan dahil kawawa naman daw. Natawa ako habang binabasa ko ang mga chat message ni Harlen. May group chat kaming tatlo, pero abala ngayon si George d

