Matigas ang tinig ni Xander. Hindi ko alam kung galit ba siya o frustrated, lalo na at hindi ako sumagot at wala akong balak na kausapin siya. "Just stop it, Avery." Narinig kong muling utos ni Xander, habang nakayuko ako at patuloy na isinisiksik ang mga damit sa kaharap kong maleta. Napapikit ako nang bigla akong niyakap ni Xander. Gaya ko, mabilis rin na tumitîbok ang puso niya at para bang tumakbo siya ng mabilis. "Please don't leave me, baby," mahinang pakiusap ni Xander, habang yakap ako ng mahigpit. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Ang hirap palang pigilan lalo na at mahal ko siya. Hindi ko alam kung sincere ba ang pakiusap niya, dahil para siyang batang yakap ako at nakikiusap sa akin na huwag ko siyang iwan. "Kung aalis ka, dapat kasama mo ako," mahinang bulong ni Xande

