In-off ko ang telebisyon at napatayo, pero umupo rin agad, dahil pinigilan kong puntahan si Alexander sa library. Naglalaway talaga kasi ako at hindi mawala sa isip ko ang lansones, kahit kumain na ako ng dalandan at inamoy-amoy ko ang balat nito. Nakaramdam kasi ako ng ginhawa at nawala ang labis na hilong nararamdaman ko simula kaninang umaga ng gawin ko ito. Hindi ako nakatiis, napatayo na naman ako at lumapit sa pintuan pero agad bumalik sa sofa at pabagsak na umupo. Frustrated na nakaupo ako, dahil kapag pumunta ako sa library, ibig sabihin, kakausapin ko si Alexander kahit ayaw ko, pero hindi ko naman matiis na maupo lang dito habang gustong-gusto kong kumain ng lansones at hindi maalis sa isip ko. Gusto ko sanang tawagan si Harlen, para makiusap na bilhan ako ng lansones dahil

