Hindi ako tumutol ng alalayan ako ni Xander para makatayo at makalapit sa sink para maglinis ng mukha at maghilamos. Siguro nakita ni Xander na nangigig ang tuhod ko, kaya binuhat niya ako. Napapikit na lamang ako dahil pakiramdam ko ay dinuduyan ako at sinabayan pa ito ng labis na pagkahilo. "You need to see doctor tomorrow," mahinang sabi ni Xander habang naglalakad papunta sa silid namin. Natatakot akong pumunta sa hospital, dahil sa totoo lang, nagkaroon na ako ng labis na takot tumapak doon, simula ng paulit-ulit na dinadala ko doon si Ailee. "Kumain ako ng dalandan, kaya nasobrahan ako at nangangasim ang sikmura ko. Hindi ko kailangan ng doktor," kinakabahan na sagot ko. Hangga't maaari, ayaw kong pumupunta sa hospital. Natatakot akong baka kung anong sakit ang makita nila sa

