"Sige, ganito na lang. Titikman namin para mapanatag ka." Pinanood ko lang sila nang kumuha ng kanin at isinubo sa bibig niya. Gano'n rin ang ginawa ng kasama niya at nagsalin ng juice at parehong uminom sa isang baso ang dalawa. "Don't worry, safe ka dito, ma'am. Walang gagawa ng kahit anong hindi maganda sa iyo dito," sabi pa ng babaeng nagdala ng pagkain sa harap ko. Tipid at nahihiya na ngumiti ako sa kaharap ko. Saglit na iginala ko ang paningin ko dito sa dining room at pagkatapos ay napabuntong-hininga na lamang, dahil sa totoo lang ay naiilang talaga ako sa dalawang babaeng kasama ko. Saglit na umalis sa harap ko ang babaeng kausapin ko at pagbalik ay may dala ng tray. Inilapag niya ang bagong baso ay kutsara sa harap ko bilang kapalit ng mga ginamit nila ng tikman ang pagkain

