Napatingin ako sa babaeng kaharap ko ng yumukod siya at tila ba nagbibigay galang sa may edad na lalaking dumating. "Good morning, sir," magalang ba bati ni Nurse Jenny. "How are you both here?" tanong ng lalaking lumapit sa amin. Hindi ko alam kung para kay Nurse Jenny at kay Draven ba ang tanong niya, kaya ngumiti lang ako ng tumingin siya sa akin. "Sit down, Avery. I have some important things that I need to discuss with you," sabi sa akin ng may edad na lalaking kaharap ko. Kahit nagtataka kung paano niya ako nakilala ay marahang tumango ako. Kinuha naman ni Nurse Jenny si Draven sa braso ko at magalang na nagpaalam sa akin. Awkward man sa pakiramdam ay umupo ako kaharap ng lalaking nakatingin sa akin sa harap ko at alam kong pinagmamasdan ako. "Alam kong nagtataka ka kung baki

