Sa totoo lang, nababalot ng kaba at takot ang dibdib ko. Marami akong tanong sa isipan ko, gaya na lang kung paano kung magtagumpay ang ama ni Xander na mapawalang-bisa ang kasal naming dalawa. Pilit na nilalakasan ko na lang ang loob ko para kay Ailee. May tiwala ako kay Xander, pero hindi sa kanyang ama. "Kailan mo nakita ang balitang 'yan?" bigla ay naisip kong itanong kay Aubrey. Nakita kong huminga muna ng malalim ang kaharap ko, bago sinagot ang tanong ko. "Kanina lang po, Ate Avery." Ramdam ko ang pagdadalawang-isip sa tinig ni Aubrey ng sabihin ni Aubrey ang tungkol sa nakita niya. Napabuntong-hininga na lang ako at tipid na ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung sa pagbalik ko sa bahay ni Xander at may babalikan pa ba ako, dahil mukhang kumikilos na si Diana. Lumipas ang mag

