Nag-init ang ulo ko at parang kasalanan ko pa. Inis na hinampas ko ang dibdib ni Xander kaya natigilan siya. "So, kasalanan ko pa kung bakit tayo nag-away dahil sa babae mo?" pikon na tanong ko. "No, I didn't say na ganyan nga. What I'm trying to explain is, kung ano talaga ang nangyari that day, kaya pumayag akong dito muna sa bahay natin si Diana habang hinihintay ko pa ang DNA test results na ipapagawa ko," napakamot sa batok na paliwanag ng katabi ko. "Ewan ko kung nagsasabi ka ng totoo, Xander. Iba ang sinabi sa akin ni Diana," napa-iling na sagot ko. "What do you mean, na iba?" agad naman na tanong ni Xander. Wala akong balak itago sa kanya kung ano ang laman ng isip ko at mga pinag-usapan namin ni Diana. Hanggat naglilihim ako sa kanya at hindi sinasabi ang mga gumugulo sa isip

