"Ate, papasok ka ba ngayon sa coffee shop?" tanong ni Ailee sa akin ng makitang naligo ako at nagbibihis. "Oo, tapos na ang two days na day off ko, kaya babalik na ako sa trabaho ngayon," nakangiting sagot ko. Naunawan naman ng mga kapatid ko kung bakit aalis na naman ako ngayong gabi. Ang alam nila ay sa coffee shop ako pupunta at never kong sinabi ang tungkol sa pagpunta ko sa penthouse ni Sir Xander, maging ang kasunduan naming dalawa. Apat na gabi na lang ang natitira at pagkatapos nito, tapos na rin ang lahat sa pagitan naming dalawa. Tulad ng dati, sinundo ako ni Dimple na hinintay ako sa kanto. Mahigpit ang bilin ko sa mga kapatid ko na isarang mabuti ang pintuan at siguraduhin nilang naka-lock pati ang mga bintana. Mahirap na, maraming masamang tao sa paligid. Kahit luma na

