"May gusto ka bang kainin?" tanong na naman ni Sir Xander pero umiling lang ako bilang sagot. "Pasensya na, Xander. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. P'wede ba akong magpahinga muna saglit kung may available na silid dito?" Pakiramdam ko kasi, hindi ko kayang manatili dito sa mesa. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng panghihina, kaya bago pa may masamang mangyari sa akin ay minabuti kong sabihin na sa kanya. "I have a plenty room upstairs, pero p'wede rin tayong magpalipas ng gabi dito sa cabin," sagot ni Sir Xander. "Sige, dito na lang muna," mahinang sagot ko. Hindi ako tumutol nang tumayo si Sir Xander at nilapitan ako para alalayan. Nanghihina ako at sa kanya pansamantalang kumuha ng lakas, para makatayo at makalakad, hanggang sa nakarating kami sa silid na sinasabi

