"How much did he pay you? Fifteen thousand? You knew very well that I can pay you more than that, Avery!" tiim-bagang na tanong ni Sir Xander sa akin. Bumangon ang inis sa puso ko. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Sir Xander kung magkano ang binayad ni George sa akin dahil ang totoo, gusto ko lang naman na bayaran niya ang gastos sa gown na binili ko. Bilang kaibigan, biniro ko lang si George sa amount na sinabi ko. Pero sabi niya, nakapag-transfer na raw siya sa bank account ko kanina, bago pa pumunta sa bahay para sunduin ako. Hindi ko tinanong kung magkano ang na-transfer na amount ni George sa bank account ko, pero wala ng pakialam si Sir Xander doon. Ang nakakainis pa, assuming siya. Kung makapagsalita siya, akala naman niya, palaging ang option ko lang ay ibenta ang sarili ko

