Balimbing rin talaga kung minsan itong kaibigan ko. Parang diring-diri pa ang pumilantik na mga daliri na itinulak ako palapit sa lalaking madilim ang ekspresyon ng mukha na nakatingin sa amin. "Hiniram ko lang naman si Avery, sir. Alam mo na, bading naman ako at para may kasama akong ipapakilala ko kay Lolo. Saka magkaibigan kaming dalawa-" "Shut up!" Pareho kaming napatayo nang tuwid ni George ng marinig namin ang malakas na singhal Sir Xander habang nagpapaliwanag siya. "I don't want to see you around her again, or else I will pull all my investment into your grandfather's mining corporation, and I assure you, you and your family will lose everything if you try to disobey me!" matigas na sabi ni Sir Xander kay George. Dahil sa nasaksihan ko ay nakaramdam ako ng lungkot. Ibig sabihi

