Chapter 35-2

728 Words

"Lumabas ka na kasi, ate, para malaman mo kung sino," sagot ni Aila ng utusan kong tingnan kung sino ang dumating na bisita. Bumaba na lang ako sa makitid naming hagdan. Saglit na natigilan ako at nagulat nang datnan kong nakaupo sa sofa si Sir Xander, kausap si Ailee. "Nandito na pala si Ate Aves, Kuya Xander," sabi ni Ailee ng makita ako. Dumako sa kinatatayuan ko ang paningin ni Sir Xander kaya nagtama ang mga mata naming dalawa. Magkasunod na napalunok tuloy ako. Sinabayan rin ng biglang pagbilis ng tîbok ng puso ko, habang magkahinang ang mga mata naming dalawa. Kung hindi pa ako bahagyang itinulak ni Aila mula sa likuran ko ay hindi hindi ako babalik sa sarili kong katinuan dahil saglit na natigilan ako. "Ate, ang g'wapo naman ng bisita mo," kinikilig na bulong ng kapatid ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD