Ang dami palang dalang pagkain ni Sir Xander. Para tuloy fiesta dito sa bahay at napuno ng ulam at may prutas pa. "Upo na," nahihiyang sabi ko. Ang liit kasi ng bahay namin kumpara sa banyo niya sa mga bahay na pinuntahan namin. Kahit naka-jeans lang siya at simpleng t-shirt, hindi maikakaila na hindi siya bagay dito sa lugar namin, pero kahit paano, natutuwa akong wala akong narinig na kahit anong reklamo. "Anong gusto mong kainin?" mahinang tanong ko sa katabi ko, dahil hindi ko siya nakitang kumuha ng pagkain. "Anything, I'm fine with any of that," sagot ni Sir Xander kaya nagsandok ako ng kanin at dalawang ulam at nilagay sa pinggan sa harap niya. "Kuya Xander, foreigner ka po ba?" madaldal na tanong ni Ailee, habang nakatingin pala sa katabi ko. "Hindi," mabilis na sagot ni Si

