"Oo nga, ate, maganda raw doon sabi ni kuya," sabat naman ni Arnel. "Gusto n'yo bang sumama sa amin ng Ate Avery ninyo?" tanong ni Sir Xander sa mga kapatid ko na agad namang sumagot at excited na sinabing gusto na nilang makita ang bahay na titirhan namin. "Tama na 'yan, papasok na muna ako sa trabaho ko," paalam ko sa mga kapatid ko para matapos na ang usapan. Hinatid ako ni Sir Xander sa coffee shop. Akala ko ay aalis na siya, pero sumabay sa aking pumasok dito sa loob. "Maraming salamat talaga sa paghatid mo sa akin dito. Ingat ka bukas sa flight mo," mahinang sabi ko dahil nakita kong nakatingin sa amin si Harlen. Nakita ko kung paano sinuyod ng mga mata ng lalaking kasama ko sa buong paligid. "Thanks, can I taste your coffee here?" tanong ni Sir Xander. "Sige, maupo ka muna, ma

