Bumilis ang tîbok ng puso ko. Napakapit na lang ako sa braso niya, hanggang pakawalan ang labi ko para sumagap ng hangin, dahil muntik na akong hindi makahinga. Naiwan tuloy akong tulala habang nakaupo sa kung saan niya ako iniwan at nakasunod ang mga mata sa papalayong bulto ni Sir Xander nang lumabas siya sa pintuan. "Abra kadabra!" malakas na sabi ni Harlen na pinitik pa ang noo ko. "Natulala ka na, daig mo pa ang na engkanto porke't may natanggap kang masarap na goodbye kiss galing sa boyfriend mo," pilyang sabi ng kaibigan ko. "Loka-loka, nagulat lang ako," napalunok na sagot ko. "Ano yun, nagulat ka na hinalikan ka o dahil bigla na lang siyang umalis ng hindi nagpapaalam sa akin," pilyang sagot ng kaibigan ko. Tinawanan ko si Harlen dahil umiiral na naman ang pagiging malandi n

