"Ang ganda ko kaya, hindi gaya mo na mukhang pupunta lang sa palengke. Ano ka ba naman, Avery, hindi ka man lang nagpaganda. Kung hindi lang talaga kita kaibigan, hindi kita isasama." Tinawanan ko si Harlen ng nagtaas-baba ang mga mata niya habang nakataas pa ang kilay at suriin ang kabuuan ko. Okay naman ang suot ko. Naka-fitted jeans ako with pink off shoulder na tops at pinarisan ko ng mataas na sapatos. "Inggit ka lang, hindi ka sexy gaya ko," panunukso ko sa maarteng kaibigan ko. "Yuck! Hindi ka na virgin, kaya 'di na ako naiinggit sa iyo," malakas na sabi ni Harlen at pinandilatan pa ako ng mga mata. Ang malditang baklang ito, walang preno ang bibig. Hindi man lang nag-isip bago nagsalita, gayong may iba kaming kasama dito sa loob ng taxi. "Aray! Avery naman!" Malakas na reklamo

