Nakakapanibago rin, lalo na at bihira akong magsuot ng sapatos na mataas ang heels. Pinili ko na lang ang bumalik at maupo muna dito sa table namin. Naiwan namang sumasayaw ang dalawang kaibigan ko at mukhang nag-e-enjoy na kaya okay lang na naiwan sila sa dance floor. Matapos uminom, kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng maliit na handbag na dala ko. May ilang missed call pala akong natanggap mula kay Sir Xander. Hindi ko na ito napansin dahil malakas ang ingay dito sa bar at mahina rin ang volume ng ringtone na gamit ko. Nag-compose na lang ako ng text message para sana mag-text sa kanya kaya lang, hindi ko pa natatapos ng mag-ring ang hawak na cellphone ko at nakita kong tumatawag si Sir Xander. "Hello?" malakas na sabi ko dahil napakalakas ng naka-play na music sa buong bar. "Hang

