"Bakit parang napipilitan ka pa?" muling tanong ni Sir Xander na tila amused na nakangiti habang nagmamaneho. "Eh, kasi naman, pati ba naman iyan tinatanong mo pa," mahaba ang nguso na sagot ko. "Stop pouting your lips, Avery. I might stop in the middle of this road and kiss you if I can't control myself," banta ni Sir Xander sa akin. Inirapan ko siya, ang dami niyang alam. Akala ko ay seryoso siya at kung ano ang itatanong sa akin, iyon pala ay gusto lang malaman kung gwapo ba siya. "Kidding aside, gwapo talaga ako," mayabang na sabi ng kasama ako. "You need to remember that, because one day, I'm sure, my friends will ask you, kaya dapat ngayon pa lang, alam mo ng gwapo ako." Malakas na natawa ako sa mga naririnig kong pinagsasabi ni Sir Xander. Para siyang batang ayaw patalo sa kapa

