"There are two cars behind us. They are after us, and we need to get away from them," sabi ni Sir Xander. May pinindot siya sa sasakyan niya at lumabas ang malaking screen kung saan malinaw na nakikita namin ang sinasabi niyang mga sasakyang nakasunod sa amin. Napasinghap ako ng makita kong may lalaking nakalabas ang ulo sa ibabaw ng sasakyang nasa likuran namin at may nakatutok na baril sa kotseng minamaneho ni Sir Xander. "Just relax, and sit down properly, Avery," utos ng kasama ko. Paano ako magre-relax kung ganitong hinahabol kami ng mga armadong kalalakihang may dalang baril. Pakiramdam ko, malapit na kaming sunduin ni kamatayan kaya paulit-ulit na nagdadasal akong next time na lang. "Shìt!" napatingin ako sa kasama ko ng bigla ay kabigin niya ang manibela. May sunod-sunod na tu

