"Siya ang magaling kong ama, kasama ang mga tauhan niya," sagot ni Sir Xander. Hindi ko alam kung bakit mas bumilis ang tîbok ng puso ko. Kakaiba ang epekto sa akin ng sinabi ni Sir Xander at nakaramdam ako ng takot at matinding kaba dahil dito. Kung nagawang ipabaril ng ama niya si Sir Xander sa mga lalaking humahabol sa amin kanina at tutukan ng baril ng mga tauhan niya ay nakakatakot pala ang tatay niya. "Don't worry about him, he can't harm you," seryosong sabi ni Sir Xander. "Simula bukas, for your own good, and safety na rin ng mga kapatid mo, sa bahay na kayo titira." Naguguluhan man, pero hindi ako p'wede makipag-talo tungkol dito, lalo na at alam kong ginagawa ito ni Sir Xander para sa amin ng mga kapatid ko. "Sige, magliligpit lang muna kami ng mga dadalhin namin," sagot

