"Yes," tipid na sagot nito. Tiningnan ko ang orasan sa kamay ko. Almost four o'clock na pala ng umaga. Saglit na lang ay magliliwanag na, kaya baka gustong magpalipas ng oras dito ni Sir Xander sa bahay. Matapos isara ang pinto at akmang bubuksan ko ang ilaw nang hatakin ako ni Sir Xander. Napasinghap na lang ako ng pumulupot ang matigas niyang braso sa bewang ko at pagkatapos ay isinandal ako sa pintuan at sinunggaban ang labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya, pero hindi ako tumutol. Kahit madilim, nakapikit ang mga mata na yumakap ang mga braso ko sa katawan niya, hanggang sa kusang bumaba ang mga ito at humagod sa balikat at likod niya. "Ummm," impit na daing ko ng pangahas na bumaba sa leeg ko ang labi ni Sir Xander. Napasinghap pa ako ng dumako ito sa pagitan ng mga dibdib ko, ma

