Malayo ito sa uri ng pamumuhay namin sa bahay na iniwan ng mga magulang namin. Makita ko lang na maayos ang kondisyon ng mga kapatid ko ay hinding-hindi ko pinagsisihan ang desisyong ginawa ko. Matapos ang kalahating oras ay lumabas ako ng silid nina Aila at binuksan ko ang kabilang pintuan para silipin kung natutulog na ba si Arnel. Tulog na rin ang kapatid ko at gaya nina Ailee at Aila, komportable rin siyang natutulog sa ibabaw kama. Nang masiguro na maayos ang lagay nila ay bumalik ako sa silid namin ni Sir Xander. Kahit hindi inaantok, nahiga ako sa kama at niyakap ang unan na ginamit niya kanina. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako mapakali at paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga pinag-usapan naming dalawa kanina pati na rin ang mainit na tagpong pinagsaluhan namin bago

