Ang luwag ng buong bahay, pero kahit kasama ko ang mga kapatid ko at sinasabi ko sa sarili kong dapat pigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya, nahihirapan ako. Nami-miss ko na siya. Sa tuwing igagala ko ang paningin ko sa bawat sulok ng bahay na ito, lalo na sa silid na tinutuluyan ko ay naalala ko siya. Simula ng pumunta dito ang mga kaibigan ni Sir Xander ay hindi ko na siya gaanong nakakausap. Siguro ay busy na siya, o marahil ramdam niyang iniiwasan ko siya dahil sa tuwing tatawag siya sa akin ay maikli lang ang bawat sagot ko kapag tinatanong niya ako. Nakaupo ako dito sa sofa at nanonood ng palabas. Hawak ko ang cellphone ko at katatapos lang naming mag-usap ng biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong dumating at pumasok si Sir Xander. Pakiramdam

