"Si Miller?" lukot ang mukha na tanong ng katabi ko sa akin. "Oo, siya nga. Siya rin ang pinakagwapo sa tatlong mga kaibigan mo," madaldal na sagot ko. "Avery, stop!" malakas na utos ni Sir Xander sa akin. "Bakit?" nagtataka na tanong ko. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay hinawakan ni Sir Xander ang magkabilang pisngi ko at kinuyumos ako ng halik sa labi. Kulang na lang mapugto ang hininga ko. Alam kong gigil siya, pero parang galit at pinarurusahan niya ang mga labi ko sa paraan kung paano niya ako halikan. "It's seems you've forgotten na ako lang dapat ang g'wapo sa paningin mo, lalo na kapag nakita mo na ang tatlong bugok na mga kaibigan ko," mahina pero mariing bulong ni Sir Xander. Gahibla lang ang pagitan naming dalawa. Sa bawat salitang binitiwan ni Sir Xander, tumatam

