Chapter 57-3

686 Words

Hindi ko alam kung paano nahulog ang loob ko sa kanya ng ganito kabilis. Siguro ay dahil sa kanya ako nakaramdam ng security at pagpapahalaga sa akin na hindi ko naranasan sa ibang tao. Hindi ako tumutol ng kabigin ako ni Sir Xander at yakapin nang mahigpit. Ramdam ko ang mabilis na tîbok ng puso niya at gano'n rin ang paghugot ng malalim na paghinga. Kusang pumulupot sa katawan niya ang braso ko at magaang na hinalikan siya sa pisngi. "Magpahinga ka muna," malambing na sabi ko. Gahibla lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa at malinaw na nakita ko ang sumilay na ngiti sa labi niya. "I want more of that, baby," naglalambing na bulong ni Sir Xander. "Huwag na, baka mapagod ka pa," pilyang sagot ko, dahilan para matawa ang katabi ko. "Sanay akong napapagod," pilyong sagot nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD