Gusto kong bumili ng mga gulay. Namimiss ko na ang simpleng luto namin sa bahay. Masarap ang pagkain namin araw-araw sa poder ni Sir Xander, kaya lang, may mga pagkakataon rin na hinahanap-hanap ko ang gano'ng ulam. "Alright, let's go," sagot ng kasama ko. "Sure ka? I mean, palengke iyon. Wet market, kaya baka ayaw mong pumunta sa gano'ng lugar," nag-aalangan na sabi at tanong ko. "Don't worry about me, I'm fine," kibit-balikat na sagot ng kasama ko. Pinag-buksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya, kaya pumasok at umupo na ako sa tapat ng upuan niya. Mabilis na lumigid si Sir Xander at sumakay sa sasakyan niya, kaya agad na ikinabit ko ang seat belt sa katawan ko. Dahil hindi ako familiar sa lugar kung saan kami ngayon nakatira, si Sir Xander ang naghanap ng palengke. Sabay na bumab

