"Okay na ba ang kapatid mo at pumasok ka na, Avery?" tanong ni Miss Iya ng makita ako sa locker area namin. "Opo, ma'am," nakangiting sagot ko. "Mabuti kung gano'n, may birthday party mamaya sa taas. Tamang-tama na pumasok ka na para may additional staff ako dito sa branch natin," sabi ng manager ko. Agad na inayos ko ang uniform na suot ko at ng masiguro na presentable na ang ayos ko ay lumabas na ako para simulan ang shift ko. Maraming tao ngayon dahil friday at may gaganaping birthday party sa second floor ng fast food. Hindi na ito pinagamit sa mga customer kaya punuan dito sa ground floor. Sunod-sunod ang order kahit hindi karaniwang lunch break. May pagkakataon talagang ganito kaya nag-fucos ako sa trabaho ko. Exactly three o'clock ng magdatingan ang mga guest sa taas. Sinabi n

