Kabanata 2
Distraction
"What did you say Delrose?" Madilim na boses ni papa.
Tumingin ako sa kanya habang tinatapangan ang sarili. Sa likod ng pilit kong tatag, nanginginig parin ang tuhod ko. My father is the sweetest man I've known, but he can also a ruthless. Pagdating sa amin, mahigpit siya.
Lumabas muna ang mga nakaitim na lalaki para hintayin ako. Alam ko na sobrang madaya ito sa pamilya ko. Alam ko na hindi sang-ayon ang mga magulang ko sa desisyon na ito. Pero paano ang bansa? Paano ang bansang napakaraming inosenteng bata? Paano sila kapag madapuan ng nakamamatay na virus?
How can they survive in the first place they are still not in age? How can they protect themselves, if they can't do anything? Importante sa akin ang mga batang maaaring matamaan ng sakit na ito. I cannot bear seeing those poor kids died because of nothing. Kung kaya kong tumulong, tatalong ako.
This is not for my family. This is for my country. For my home.
"Pa those people needs me. They need a doctor. At hangga't kaya kong tumulong, tatalong ako. This is my passion, this is what I sacrificed almost years. Please, let me do this. For our country." Batid sa boses ko ang panghihina.
Sa katunayan natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang mangyayari sa oras na makarating ako sa Manila. There is no yet vaccine or any solution to debar it. Ang sabi ng department of health, ang tanging magagawa naming mga doctors ay tulungan ang mga taong natamaan nito.
We can help them in a simple way. Babantayan namin at aalagaan hangga't kaya pa. Tutulungan sa ibang paraan. Hindi man sila mapagaling, at least we help. We give our best to help them.
Sa panahon ngayon, hindi ko na iniisip ang maaaring mangyari sa hinaharap, ang tanging lumilitaw sa isipan ko ay ang maisalba ang mga kabataan. Mailayo sila sa kasarinlan.
Rinig na rinig ko ang mabigat na paghinga ni papa. Hindi talaga siya sang-ayon lalo pat delikado ito. Maaaring isugal ko ang buhay pero trabaho ko iyon. It is my duty to help.
Napatingin ako kay mama na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Yakap-yakap siya ni Ranilo habang pinupunasan ang luha. Mahirap din sa akin ang desisyong ito, malalayo ako sa pamilya ko at isusugal ko ang buhay. Pero hindi ko naman kayang hayaan nalang ang bansang walang kalaban-laban sa sakit na ito.
I am a doctor, and people expect me to do my work. Ano nalang ang sasabihin ng tao kapag makita akong walang ginagawa? They will hate me, they will bashed me. Naturingang doctor, wala namang silbi.
"Anak alam ko ang trabaho mo. Alam ko na pareho ang tumatakbo sa isip mo at ng iyong ina pero delikado ito. Kung sa ibang sitwasyon, kaya pa kitang pakawalan pero ito anak? Hindi ko kaya." Umiling-iling na sabi ni papa.
Napapikit ako sa sobrang hirap ng hinaharap. Buo na ang desisyon ko, sasama ako sa kanila at tutulong ako sa Manila.
"Pasensya na pa pero hindi ko kayang talikuran itong trabaho ko. This is my passion. This is what I am, and I will help my country." Malamig kong sabi.
Natigilan siya at hindi nakapag salita. Ang mga gamit ko ay nasa helicopter na at handang umalis ano mang oras. Mas lalong tumindi ang pag-iyak ni mama. Lumapit ako sa kanya at yinakap.
"Ate makinig ka nalang kay papa, pwede ka namang hindi sumama eh. You can help here, hindi kami mapapanatag kapag nasa Manila ka." Pangungumbinsi ni Ranilo.
Tumingin ako sa kanya na pagod ang mga mata. Buo na talaga ang desisyon ko. Wala ng makakapag pabago. This is my field. I belong to help people. I belong to help my country. And I belong to serve my fellow.
"This is the lives of everyone that I'm helping. Ayokong makita ang mga batang inosente na pinapatay ng sakit. They deserve to live more, to see the world. They deserve to live Ranilo." Seryoso kong sabi.
Natahimik siya. Hinarap ko si mama at yinakap ulit. Umiiyak pa siya at sigurado akong dahil iyon sa pag-alis ko.
"Ma, I know what you feel right now. Naging doctor ka rin at minsang naging pag-asa ng sambayanan. Ito ang mundo natin, at kailangan ako ngayon nito. Kailangan ako ng bansa natin ma, at hinding hindi ko kayang talikuran iyon." Senseridad kong sabi.
Napapikit siya habang tumutulo ang luha. Nangilid ang luha ko habang pinagmamasdan ang inang ayaw mawalay sa anak niya. This is why I loved my family, they showed me how to be love. How to be strong. How to take care each other. They taught me how to stand with my decision.
Napayuko ako habang pinipigilan na lumandas ang luha sa mata. Umangat lang ako ng tingin para magsalita ulit.
"M-maraming inosenteng b-bata ang pwedeng madamay ma. Maraming buhay ang mawawala kapag hindi ito maagapan. At ayokong tumunganga lang dito at panoorin sa balita ang milyong milyong buhay na nawala. I am doctor ma, this is my fate." Punong puno ng panghihina ang boses ko.
Tumango-tango siya habang umiiyak. She cupped my face and wiped my tears. Natanggal lang ang kamay niya sa mukha ko ng yumuko ako at makita ang nilagay niyang susi sa palad ko.
Tumingin ako sa kanya na may pagtataka sa mata.
"Susi yan ng clinic ko sa Manila anak, may laboratory ako doon at kompleto sa gamit. You can use it in times of needed. Basta mangako ka sa akin na babalik kang buo at buhay na buhay." Sabi niya.
Muling lumandas ang luha ko dahil sa ginawa niya. Ngumiti ako kahit pa may luha ang mata. She understand me. She understand my side.
Tumango ako sabay sa paghalik ng pisnge niya. She always support me. Kahit ikakamatay ko, basta kagustuhan ko ay suportado siya.
"Opo ma. Babalik akong buhay." Pagpapanatag ko sa kanya.
"Siguraduhin mo Delrose. Buhay kitang pinalabas dito sa bahay, kaya buhay kay babalik sa amin. Maghihintay kami anak. Tulungan mo ang mundo." Sabi niya.
Tumango ako at yinakap muli siya. I love you so much ma!
Naramdaman ko ang yakap ng dalawang lalaki sa buhay ko. Kahit hindi sang-ayon, pinili parin nilang suportahan ako.
"We'll wait you ate. Please, stay alive." Si Ranilo.
Tumango ako habang ginulo ang buhok niya. Si papa naman ay mahigpit akong yinakap. Halos hindi bitawan.
"Ikaw ang nagpatibay sa relasyon namin ng mama mo. Ikaw ang rason kung bakit ko sobrang minahal ang mama mo. Kaya ayokong may mangyaring masama sayo Delrose. Inalagaan kita at iningatan, kaya siguraduhin mong ligtas ka palagi. Ikakamatay ko anak kapag may mangyaring masama sayo." Nanghihinang sabi ni papa.
Ngumiti ako at yumakap pabalik sa kanya. Kahit umiiyak, hindi parin mawala sa puso ko ang pagmamahal nila.
"Pangako babalik ako. Buong buo at buhay na buhay." Huling sabi ko bago ako sumakay ng helicopter.
Kumaway pa ako sa kanila kahit nasa himpapawid na kami. Nang hindi ko na makita ang pamilya ko, tinignan ko ang kalangitan. Pumatak muli ang luha ko.
Patnubayan sana ng diyos ang mahal ko sa buhay. Habang ginagawa ko ang tungkulin sa tao. Nawa'y maging matatag sila at mahintay ako sa pagbalik.
"Mahirap iwan ang pamilya no! Lalo pat umiiyak sila." Sabi ng isang doctor.
Hindi lang ako ang sakay nitong helicopter. Nasa sampung doctor kami mula sa iba't-ibang hospital dito sa region 8. Katulad ko, sila din ay pinadalhan ng sulat para tumulong sa bansa.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malungkot. Base sa nalaman ko, pareho ang mga field namin. Sampu lang ang kinuha dito sa amin dahil ang iba ay naiwan sa hospital ng lugar namin. Every region, ten doctors needed to help.
"They are my life." Maikling sagot ko.
Tumango siya habang nakatingin sa akin. Lalaki itong doctor na kumakausap sa akin at base sa nakikita ko, nasa mid thirties na siya. Hindi ko siya nakikita sa Tacloban Medical Center kaya siguro galing sa ibang hospital.
"Let's help each other then. Ilaban natin ito!" Sabi niya.
Ngumiti lang ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumalik sa magagandang ulap. Kahit paano'y nawala ang bigat na nararamdaman dahil sa tanawin.
Gaya ng sabi ni mama, tutulong ako para sa bayan. Tutulong ako para sa inosenteng kabataan. Tutulong ako para sa maraming buhay. This is my fate. And I can't turn out my life for this.
Nakarating kami sa Manila ng tanghali na. Sa Philippines General Hospital kami binaba ng helicopter. Napatingin ako sa kamay na nakalahad sa akin, yung lalaking doctor na kausap ko pala iyon.
Tumango ako sa kanya tsaka inabot ang kamay niya. Nagkatingan kami bago ko pinagpag ang kamay sa isang palad.
"Salamat." Malamig kong sabi.
Ngumiti siya at tumango. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero hindi mawala sa nararamdaman ko ang pinapakita niya. If he's going to hit me, I'm not interested. I am here for my job, not anything.
Napatingin ako sa unahan namin, nandoon na halos lahat ng kasama naming doctor. Kami nalang ang hinihintay. Nakita ko ang isang lalaki na nasa harap ng mga doctors. Nakasuot siya ng hospital suit at naka salamin.
Base sa narinig ko kanina, ang sabi itong Philippine General Hospital ay ang magiging hospital base namin dito sa Manila. Bali ang limang regions na kinuhaan ng sampung doctor ay ilalagay sa iba't-ibang hospital dito sa Manila. Katulad ng region 5 to 10 ay dito sa Philippine General Hospital dinala.
Nasa Taft ave. Ermita Manila ang location nitong hospital, ang clinic naman ni mama ay nasa lungsod ng Pasig. Malapit lang naman siya, siguro mga dalawang sakayan papunta doon. I have never been here, ngayon ko lang nakita ang hospital na ito. Maluwag siya at malaki ang area space niya.
Nang makarating kaming dalawa sa mga kasamahan namin, huminga ng malalim ang lalaking nasa harap namin. Sino ba siya?
"Good day doctors! I don't know if you know me, but I'll introduce myself. I am Dr. Manuelito Severo, general doctor here. The department of health assigned this hospital for those people who had been infected by the virus. Sa ngayon, may kaso na ang hospital na ito ng twenty five, at ang iba ay under monitoring pa. The secretary of DOH assigned all of you here is because this hospital will be the facility to use for the infected people. We need you here so let's help each." Aniya ni Dr. Severo.
Natahimik kami at hindi nakapagsalita. Ibig sabihin kami ang magiging doctor ng positive na mga tao? Kami ang tutulungan sa kanila?
Bagama't kinabahan, nanatili parin akong seryoso at nakinig sa general doctor.
"Hindi lang mga doctors ang nandito. We have also volunteer from the people who is willing to help. As of this moment, we have 20 volunteer person that is assigned here. It's either they will help giving relief goods for the patients or foods. We are one in this battle, so let's help each other." Huling sabi ni Dr. Severo.
Tumalikod na siya sa amin at pumasok sa glass door. Narinig ko ang mga bulong bulungan ng mga kasama kong doctors, hindi nalang ako nagsalita at lumakad nalang papasok ng hospital. Hinayaan ko silang mag-usap sa labas.
Pagkapasok ko palang bumungad na sa akin ang mga pasyenteng nasa labas at nakahiga sa hospital bed. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila. Wala na bang kwarto para sa kanila? Nagkukulang na ba ang facilities dito kaya nasa labas sila ng rooms?
Ang balita ko, hindi lang virus ang umaatake dito ngayon. Uso din ang dengue kaya siguro nagkulang sa mga rooms. Napatingin ako sa babaeng nurse na palapit sa akin. May suot siyang mask.
"Hello po Dr. Costiño. Ako po ang nurse na maglilibot sa inyo dito. Halika ka po doc." Sabi ng nurse.
Tumigil ako sa pagtingin sa mga pasyente. Tumingin ako sa nurse na nasa harap ko.
"Bakit wala silang room?" Tanong ko.
Tumingin naman ang nurse sa tinutukoy ko. Huminga siya ng malalim bago ako harapin.
"Dahil po sa kaso ng dengue kaya napuno ang mga pasilidad namin dito doc. Pero mamayang hapon ay makakalabas na sila dahil mabuti na ang pakiramdam ng mga na dengue. Hindi na po kasi dadalhin dito ang ibang pasyente na hindi infected ng virus. Ang hospital na ito ay para sa infected patient lang doc. Kaya simula bukas ay hindi na tatanggap pa ng ibang pasyente na hindi positive sa sakit." Sagot ng nurse.
Tumango ako. Mabuti naman kung ganun. Hindi sila pwedeng manatili dito lalo pat gagamitin itong hospital para sa mga cases ng TvD-1 lamang. Bawal silang mahaluan ng ibang pasyente na negatibo naman sa sakit.
Nagsimula kami sa paglilibot ng hospital. Tama ang sinabi ko, maluwag nga siya sa loob. This hospital stands within a 10 hectare site located at the UP Manila Campus in Ermita, Manila. It is the largest government facility and referral center. Base on the nurse, this hospital has 1,100 beds and 400 private beds.
Philippine General Hospital is tertiary state-owned hospital and administered and operated by the University of the Philippines Manila. According to the nurse, they are estimated 4000 employees working here to serve 600,000 patients yearly. She also said that this hospital has different special field in medicine.
Kaya pala nagtaka ako kung bakit nasa UP siya tinayo, sila din pala ang may-ari nito. Natapos kami sa paglilibot kaya ang huling pinuntahanan namin ang magiging room base namin dito. Isang doctor ay isang kwarto kaya ng ituro sa akin ng nurse ang magiging room ko, ngumiti ako sa kanya.
"Doc if you need anything just call me. Ako po ang magiging kasama niyo dito, at mamayang gabi daw po ang start ng duty niyo. Kailangan po kayong bumaba sa tamang oras. Salamat and God bless po!" Ani Milena.
Ngumiti ulit ako sa kanya bago tumango.
"Sige Nurse Milena. I'll see you later then. Thank you!" Pagpapasalamat ko.
Sinarado ko na ang pinto at umupo muna ako sa kama. Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. Nasa ikatlong palapag ang rooms naming mga doctors, nasa pangalawa at unang palapag naman ang para sa infected patient.
Binuksan ko ang dala-dalang bag at inayos ang mga damit ko. Nilagay ko sila sa maliit na lamesa, sunod naman ay ang family picture namin. Napangiti pa ako habang pinagmamasdan ang pamilya ko. Wag kayong mag-aalala, mag-iingat ako dito!
Pagkatapos ng lahat, naligo muna ako at kumain ng biscuit. Inayos ko ang sarili, suot ang hospital gown tinali ko ang buhok at tinignan ang sarili sa salamin. Makakaya namin ito!
Lumabas na ako ng room ko at lumabas ng hospital. Una kong gagawin ay pag-aralan itong hospital base namin. Alamin ang mga daan at kabisaduhin ang mga rooms. Tahimik sa buong hallway ng Second floor, nasa loob ang mga infected patient.
Ang sabi ni nurse Milena, ang sampung infected patient ay nandito habang ang sampu naman ay nasa baba. Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang first floor. Napatingin ako sa labas ng hospital, may mga pulis na nakatayo doon at tila mga bantay sila. Naglakad ako para tignan pa ang mga pasilidad dito, hanggang sa nakarating ako sa likod ng hospital.
Napahinto pa ako ng makita ang dalawang malaking truck na nakaparada. Nakita ko din ang mga lalaking nagbubuhat ng karton karton na hindi ko alam. Siguro mga relief iyon galing sa pamahalaan. Lumabas ako para mas lalong makita ang ginagawa nila.
Kinukuha nila ang karton sa loob ng truck at nililipat sa isang kwarto. Siguro ko dito nilalagay ang mga relief na galing sa gobyerno at ibang ahensya. Napahinto lang ako ng makitang huminto sila sa paglalagay ng karton sa loob. Nakatingin sila sa akin kaya nagtaka ako.
What's wrong?
Nabaling ang mata ko sa isang lalaki na nakangiti sa akin. Pawisin siya at tanging sando na puti lang ang suot. Mga trabahador ba sila ng hospital?
Napatingin ulit ako sa lalaking nakangiti sa akin. Teka, parang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na dati. Pinagmasdan ko pa hanggang sa makita ko ang maliit na nunal sa ibabang bahagi ng labi niya. Oh s**t he is very familiar!
Where did I saw his picture? f**k I forget it.
Ang ngiti ng lalaki ay unti-unting naging ngisi. Para bang natutuwa dahil tinitignan ko siya ng mabuti. Napalunok ako bago umiwas ng tingin sa kanya.
He's just familiar, that's all! I am not here for anything. I have work to do. I have obligations to do.
Tumalikod ako sa kanila at bumalik muli sa pinaglabasan ko. Pilit kong tinatanggal sa isipan ang imahe ng lalaki na iyon. Pamilyar siya sa akin at parang nakita ko na. Hindi lang lumalabas sa utak ko ang pangalan niya at kung saan ko siya nakita.
Napatingin ako ng biglang lumitaw sa harap ko si nurse Milena.
"Ano pong ginagawa niyo doon doc?" Takang tanong niya.
I sighed heavily.
"Just looking around. Trabahador ba sila ng hospital?" Balik tanong ko.
Ngumiti siya.
"Hindi po doc. Sila po yung volunteer natin dito. Sila yung tagi bigay ng relief at pagkain sa pasyente. Bakit po?" Sagot niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. So those men outside is our volunteer. Yung sinabi ni Dr. Severo ba? Sila pala iyon.
"Wala naman." Sagot ko.
Akala ko trabahador sila ng hospital. Mga volunteer pala. Puro mga lalaki pa. Umalis na si nurse Milena kaya napahinga ako ng malalim.
Babalik na sana ako sa designated room ko, biglang may nagsalita sa likod ko.
"Hi doc. Finally, I see you in personal." Boses lalaki.
Napatingin ako sa likod at halos matumba pa ng bumungad sa akin ang lalaking nasa labas kanina. Nakasuot na siya ng puting t-shirt at ripped jeans. Nakangiti ang labi.
Tinaas ko ang kilay, pinapakita na hindi ko siya kilala.
"Do I know you?" I said harshly.
Napahawak siya sa dibdib at umarte na nasaktan sa sinabi ko. Mas lalong tumaas ang kilay ko.
"Makakalimutin ka talaga doc. Kagabi ngalang tayo nagka chat e. s**t di ko inaasahan 'to, kagabi iniisip ko palang na sana makita kita in person tapos ngayon nasa harap na kita." Sabi niya.
What is he talking about? Nagkausap ba kami? Ka chat daw? Teka nag online ako kagabi e, at may naka chat akong lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng nasagot ang pagtataka ko. Tama siya yung anak ni Mang Gerard ba. Tumingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata.
I am right. He is mang Gerard son. Teka bakit siya nandito? As far as I know, he is an engineer. What in this world that engineer is here?
"My father is right. You are beautiful." Dagdag niya pa.
Umirap ako at hindi pinansin ang sinabi niya. I just sighed heavily.
"I'm sorry, I don't know you." Sinabi ko.
Tumalikod na ako at iniwan siyang nanlalaki ang mata. Distraction! He is a distraction. A hindrance to my work.
Narinig ko pa ang atungal niya. Hindi tanggap na hindi ko siya kilala.
"Hey doc, alam kong kilala mo ako. Imposible kagabi lang tayo nagka chat e. Anyway, nice seeing you." Sigaw niya.
Umiling lang ako.
He will be my distraction. A big distraction.
---
Alexxtott