Kabanata 2
Cases
Pagkatapos ng pagtatagpong iyon, bumalik agad ako sa room base ko. Sa hindi malamang dahilan, napahawak ako sa gitna ng dibdib at pinakiramdam ito.
Bakit nakakaramdam ako ng ganitong kabilis na pagtibok ng puso? Parang hinabol ako ng sampung kabayo sa bilis ng t***k ng puso ko. Pumikit ako ng mariin at umiling iling sa sarili.
I shouldn't feel this. Masyado pang maaga para makaramdam ng ganito. At may responsibilidad akong dapat gampanan. May responsibilidad na umiikot sa mundo ko at hindi pwedeng maging sagabal ang hangal kong puso.
Damn it, ngayon ko lang naman siya nakita ah! I didn't even see him in person in any different occasions or parties I have attended. In my history, ngayon ko lang siya nakita. Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon.
Sa ganitong sitwasyon pa. Ang nakapagtataka lang, bakit siya nandito sa hospital? Is he one of our volunteer? Is he one of those twenty person who willing to help? At dito siya sa hospital base namin napunta? Fate really unfair huh!
Umupo ako sa puting kama at hinayaan na kumalma ang nag-aalburoto kong puso. Kinalma ko ang sarili at huminga ng napakalalim. Napatingin ako sa maliit na picture frame, napangiti ako habang pinagmamasdan ang pamilya ko.
Miss ko na sila. Isang araw pa ngalang ang nagdaan pero iba na ang epekto nito sa akin. Bagama't sanay ako sa layo namin sa isa't-isa pero iba parin ang sitwasyon ng bansa ngayon. Kung sana pareho parin ang takbo ng mundo, hindi ako makakaramdam ng ganito. My family, they are my life.
At wala akong karapatan na suwayin ang obligasyon ko. They let me sacrificed my life just to be here and help people. I have no right to waste their efforts and trust. Iyon ang dapat kong atupagin dito, at hindi itong abnormal kong puso na naghuhuramentado.
Napatingin ako sa cellphone na tumutunog sa maliit kong lamesa. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag ni papa.
(Hello anak?)
Nangilid ang luha ko pagkarinig palang ng boses ni papa. Kahit nagkakataasan kami ng boses minsan, mahal na mahal ko siya. Para sa akin siya yung amang walang pagkukulang. Ang naging problema lang sa kanya ay yung sobrang higpit sa amin.
Tumingala ako para hindi tuluyang lumabas ang luhang punong-puno ng lungkot. I really miss them.
(Y-yes po pa?)
Magalang kong sabi. Hindi ko mapigilang mautal dahil sa nagbabadyang luha. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. May edad na si papa at alam kong ang nais niya ay nasa tabi lamang kita. Kung tutuusin, kaya niya parin kaming buhayin pero kasi may pangarap ako e. May hinahangad ang sarili ko.
(Anak miss na kita. Miss ka na namin. Naghihintay kami sa pagbabalik mo, mag-iingat ka palaga dyan ah!)
Hindi ko na napigilan pa at tuluyan ng lumandas ang luha ko. Walang tigil sa pagpatak ang maiinit kong luha, damang-dama ang sinasabi ni papa.
Sa aming mag kapatid, ako ang pinaka iniingatan niya. Walang problema kay Ranilo at kaya nito ang sarili pero ako? He always assured that I am in good health. Ayaw niyang nagkaka sakit ako, he always said that I am his first born child.
Pinunasan ko ang luha. Pinigilan ang paghikbi sa kabila na katawagan ang ama ko.
(Opo pa. Palagi akong mag-iingat dito, uuwi pa ako dyan. Pangako yan!)
(Siguraduhin mo lang. Kapag may mangyaring masama sayo, kukunin talaga kita dyan.)
Natawa pa ako sa pagiging maotoridad ni papa. He always use that authority so that, we obeyed him. Ako lang yata ang kaisa-isang sumuway sa kanya.
(Opo pa.)
(Gusto kang kausapin ng mama mo.)
Napangiti ako.
(Hello anak. Kumusta na dyan?)
Napahinga ako ng malalim. Hindi ako sigurado sa kinaroroonan namin, may pangamba ako na maaaring magkulang ang pasilidad sa oras na dumadami ang kaso. Bagama't maluwag itong hospital ngunit ang kutob ko ay ganito.
(Ma this hospital is huge but I have this feeling that this might be lacked if the cases increase time by time. Doctor Severo say that the virus disseminate faster, and the facility might be used.)
(You already met Dr. Severo?)
Kumunot ang noo ko. Why she suddenly asked? Do they know each other?
(Yes mom. He was the general doctor in this hospital.)
(Where hospital you assigned?)
(In the Philippine General Hospital mom, center in Manila.)
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Para bang alam niya itong hospital na kinaroroonan ko.
(Why mom?)
(Please always listen to Manuelito Severo anak. He is a good doctor. I am one of his medicine student back when I trained. He knows the best anak.)
Napatango ako kahit pa hindi niya nakikita. So Dr. Severo is a great doctor.
(Opo ma. I will follow him. Where is Ranilo?)
Narinig ko ang buntong hininga niya. Narinig ko din sa likod ng linya si papa. Siguro nasa likod siya ni mama.
(Nasa kwarto anak, nagagalit sa papa mo dahil hinayaan kang umalis. Muntik pa ngang magsuntukan silang dalawa kung hindi ko lang naabutan.)
Napalunok ako. Si Ranilo talaga kahit kailan. He is like my father, protected.
Naalala ko noong highschool ako, fourth year highschool to be exact. Halos makipag-away siya sa classmate kong nanliligaw sa akin. Like my father, he protect me. He never like to see me hurt. Tapos nung nag-aral ako ng medisina sa Manila, siya ang nagpursiging sumama akin. Kaya doon sila tumira pansamantala habang nag-aaral ako.
Now, he is taking business administration. Yun ang kinuha niya para maalagaan ang negosyo ng pamilya.
(Ma wag na wag niyong papabayaan si Ranilo. No matter what please!)
She sighed heavily.
(Oo naman anak. Kapag may oras ka, pumunta ka sa clinic ko gumawa ka ng vaccine na pwedeng magamit sa sakit na ito. Katulad ng ginawa ko noon nung lumaganap ang naunang virus.)
Napapikit ako. Titignan ko ma! I know the history of her vaccine. Before this epidemic, she once one invented a vaccine to use in the pandemic Philippine flu. The virus infected the country for almost one year. Everything is lock down that time, and my father was very afraid because like what happened to me, mom called the government to help.
Kaya nung nagkaroon siya ng pagkakataon, gumawa siya ng sariling antibody para maprotektahan ang bansa sa banta ng virus na iyon. At nagtagumpay nga iyon. Sampung taon palang ako nun at natatandaan ko pa nung umalis siya.
And now it's happening again. It was happened 25 years ago, and now the country is facing again this crisis. But my mother is no longer a doctor, my father pursue to resign her position in the hospital. At walang nagawa si mama doon. Alam ko na ngayon ay hinahanap na ng bansa si mama, ngunit hindi na siya papayagan pa ni papa.
Kaya walang nagawa ang gobyerno kung 'di kunin ako. Kapalit ng aking ina. If ever I could invent a vaccine to use, it would be very helpful. I can help those people who's positive in the virus.
(Mom do you think I can do it?)
Sa Hindi ko malamang dahilan, biglang umusbong ang pagdududa sa sarili. Hindi kami magkatulad ni mama, she was a great doctor in her days. She cured many people, she made her own medicine to use in some illness. She can make her own vaccine, and that's I cannot assure.
In my case, I am different. Yes, I can cure some patient but not like my mother, I am still walking to my best. I'm still on my process. It might take years to prove that I can do the same with my mother but it always be her from everything. She already craved her name in the history of medicine. She is known for being the great doctor.
(Yes. You can do it anak! I believe in you, and I trust you wholeheartedly. I know you can make your own way to be known in this field. I know hija. You just have to believe in yourself. You just have to risk Delrose. Anyway, that is our work. To risk and to believe.)
Napahinga ako ng malalim. She's right. My mother is right. I can do it. Kung nagawa niya, bakit hindi ko kaya? Kung nakaya niya, bakit hindi ko kaya?
I have my own way to prove that I can. And I will risk it.
(Thank you mom. Please, always take care. Kayo ni papa at ng kapatid ko.)
(Oo anak. Mas lalo na ikaw, let's call each other time by time.)
Natapos ang tawagan kaya binalik ko ang cellphone sa lamesa. Napahinga ako ng malalim. She was right, I can make my own vaccine. I can also invent like what she did. I can help people in my way.
Napatingin ako sa intercom ng magsalita iyon.
"Please all the doctors proceed to the conference room now."
Tumayo agad ako at inayos ang sarili. Suot padin ang hospital gown at lipstick, lumabas ako ng kwarto. Nakita ko pang sabay din kaming lumabas ng doctor na nakausap ko sa helicopter kanina. Ngumiti siya sa akin ngunit seryoso lamang ang mukha ko.
Naglakad ako at sumabay siya sa akin. He was holding a mask, napatingin ako sa kanya dahil bakit hindi niya iyon suotin?
"I'm John Erick Lapidario, doctor from Ormoc." Pagpapakilala niya.
He even offer his hand at me. Kahit naglalakad tinanggap ko iyon at nakipag shake hand sa kanya. Ayokong maging bastos.
"Delrose Costiño, from Tacloban Medical Center." I introduced myself.
Ngumiti siya at hinawakan pang mabuti ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya habang magkahawak ang kamay namin. Hindi namin nakita ang dinadaanan kaya napabitaw kami ng kamay ng biglang may dumaan sa gitna namin.
Napatingin ako sa lalaking seryoso ang tingin sa amin ni Dr. Lapidario. If I'm not mistaken, siya yung nagbubuhat ng karton kanina, at yung kumausap sa akin.
"Daanan 'to hindi pasyalan." Seryoso ang boses niya.
Tumaas ang kilay ko sa kanya. Tinitigan ko ang suot niya, ganun parin. Ngunit may dumi ng konti ang damit niya, siguradong dahil sa pagbubuhat pa yata. Napatingin din ako sa tainga niya, may kumikintab na isang hikaw doon. Adik ba siya? Bakit may hikaw ang tainga?
Mang Gerard didn't tell me that his son is some kind of addict or what? Gangster? Why is he wearing a piercing earring? It is not appropriate that a man use this kind of thing. It's only for female not unless that male is a gay.
Tumaas ang gilid ng labi niya, nagkatitigan kami ng saglit bago ko iniwas ang paningin. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Para bang hinahabol na naman ng sampung kabayo.
"You are supposed to say apologize. You already saw us walking, you can skip yourself in the edges." Malalim na English ni Dr. Lapidario.
Mas lalong naging seryoso ang mukha ni nino ba? Sino ba ito? Ruler ba? It sounds like that e!
"Well I can walk where I want. This is a democratic country, and I have my rights too." He said straightly in English.
Umiling lang si Erick bago tumalikod at naunang naglakad sa akin. Ayaw na sigurong patulan pa ito. Tumingin ako sa lalaking seryoso ang mukha at nakatayo sa harap ko.
"I've known you since then. Pero hindi mo parin maukit ang pangalan ko sa utak mo." Seryosong sabi niya.
What? We've known each other since then? How come? I didn't really recognize him. He is not familiar. Just his face but name? I couldn't remember.
"Mang Gerard told me about you twice only, how come we've known each other huh?" Takang tanong ko.
Kumunot ang noo niya at halos hindi maipinta ang mukha. Parang bang nainsulto ko ang buong buhay niya.
"Hindi mo nga ako makilala. Hindi mo ako matandaan? Ako yung nerd na kasabay mo sa pagbabasa sa library nung highschool ka. You even call me baduy dahil sa mga sinusuot ko, and you always share your food to me back then. Grabe nakalimutan mo agad ako, limang taon ka lang naman nag-aral ng medisina e." Mahaba niyang sabi.
Nerd? Wait...yes I have a friend before. Isa siyang nerd at halos walang kaibigan sa campus. He always wear a corny dress. Hindi naman siya yung nerd na nerd na talaga, actually nakita ko naman na may mukha siya kahit pa parang ewan kung minsan.
Tumingin pa ako sa kanya bago ako napatango. A smirk on my lips formed when I finally remembered him.
Ruslan Dominico Alzarte, ang kasabay kong nerd na nagbabasa sa library nung highschool pa kami. I can't believe he is son of Mang Gerard.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makitang nakangisi ako. Ang laki ng pinagbago niya ah! The way he dress up now, the way stand and walk. He changed alot. Hindi ko na nakikita yung baduy na nerd pero may itsura.
"Yeah I already remember you." Maikli kong sabi.
Ngumisi siya. Lalapit na sana ng marinig ko si Erick.
"Dr. Costiño you need in the conference room now." He interrupt.
Tumango ako. Tumingin ulit ako kay Ruslan at ngumisi. Maybe we can bond each other soon.
"I gotta go. Bye!" I bid my goodbye.
I turn my back. I was about to walk when he talk.
"Hey doc pwede ba tayong mag-usap kapag may oras ka na?" He ask.
I sighed heavily. I shouldn't do this. Entertaining boys will distract my work. I have to focus in my obligations.
"I'm busy. No time for that!" Malamig kong sabi.
Umalis na ako at iniwan siyang kunot ang mukha. Magiging sagabal siya sa ginagawa ko. Kailangan kong maging alarma sa lahat ng gagawin dito.
Pagkapasok ko palang sa conference room rinig na rinig ko na ang pagtatalo ng ibang doctor. Parang hindi nagkakaunawaan sa isang bagay. Tumahimik lang sila ng makitang nakatayo ako sa harap nila.
"Finally you already here Dr. Costiño. I want to tell that the cases of Trojan virus disease is increasing rapidly. We have new ten arrivals infected patient from Pasig City. And fifteen from Caloocan. Until now, we don't have any solution to do because of lack equipment." Dr. Severo said.
Napahinga ako ng malalim. Kung walang gamot pa, ang maaaring gawin ay supportive medical nalang muna. Kailangan obserbahan ang mga positive na tao at tignan kung makakaya pa bang magamot gamit ang antibiotics. We can't give anything now, lalo pa't wala pang tulong galing sa amerika.
Napatingin si Dr. Severo sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko. Nang lumipas ang ilang segundo, hindi siya nakakuha ng concern ko.
"Dr. Costiño wala bang sinabi sayo ang iyong ina? Wala ba siyang gagawin para sa hinaharap ng bansa?" He ask me desperately.
Tumingin ako sa kanya ng malamig. Hindi na sangkot ang ina ko dito. She's out from this crisis. Kung sino mang tao ang pwedeng tumulong ay ako lang. Sa pamilya namin, ako lang ako gagawa ng paraan. Ayoko pang may madamay sa pamilya ko.
"My mother is already done in this problem. She have nothing to do with this." Malamig kong sabi.
Natahimik si Dr. Severo. Inaasahan niya pa yata hanggang ngayon si mama. Diba magaling siyang doctor? Bakit hindi siya gumawa ng sarili gamot para dito? Bakit kailangan iasa sa ina ko?
"I'm just assuming that she can help even she's already out from this field. Let's adjourned this session, magpapatawag nalang ako ulit kapag may bagong kaso ang dumating." Sabi niya at naunang lumabas ng conference room.
Lumabas na din ako at bumalik sa kwarto ko. Nagbasa ako ng mga article ukol sa pagtaas ng kaso ng sakit.
As of now, Philippines has already 150 infected patient, and 300 under monitoring. Kaya pang maagapan kung makakahanap lang ng gamot.
If everyday the cases increase, it might take thousand infected patient until could find a cure. At sa mga oras na ito, wala pa akong naiisip na pwedeng gawin. Ang tanging nasa isip ko ay ang obserbahan ang mga pasyenteng nag positibo sa sakit.
That's all I can do for now.
---
Alexxtott