Kabanata 4
Feeling
Life changes according to it's process. Everything in this world has an ended. Even life, has ended.
Kaya hindi nakakapagtaka na bumabawi na nga talaga ang mundo mula sa karahasan ng tao. Bumabawi sa paraan ng pagkitil ng buhay. If people know how to protect this wonderful world, then this will not happen. This will not happen.
I am wondering why our almighty God doing this? Why he give us a challenge that we cannot fight back? Why he made this world beautiful but humans bruised it?
God made this planet to be our home. And he made us, to be the human in this home. Seems to be that his home is now bruised. Everything ruined. Criminalities around. Illegal businesses working. And people abuse the power.
This world is full of sin. Sins that cannot forgive by an ordinary human. But God isn't like us, human. He can forgive our sins. He can give us another chance. Chance to change. Chance to live. Chance to make all the wrongs right. Chance to make your life better. And start with beginning.
Yung panginoon kayang-kaya magpatawad pero tayong tao ay hindi. Yung panginoon mahal na mahal parin tayo sa kabila ng pagsuway at paglaban natin sa kanya. Sa kabila ng kasamaan na ginawa natin. Sa kabila ng paglabag sa ayon niya. Mahal niya parin tayo pero hindi manlang natin makita at maramdaman iyon. Hindi natin maramdaman yung pagmamahal ng panginoon.
He is the only that can love us no matter what we are. Kahit ikaw pa yung pinakamasamang tao sa mundo. Kaya niyang magpatawad kasi mahal niya tayo e. Mahal niya ang mundo natin. Pero yung binabalik natin sa kanya ay lubos na nakakapanghina ng loob.
We cut trees. We made minings. We build highest building. We have different vices. We gambling. And God never complained, because you know what? He loved you, in terms of your flawed. He loved you, in terms of your bad habit. He loved you, in terms of your imperfections. But you never see his effort to loved you.
Sinisisi pa ng tao kung bakit nagkaka ganito ang mundo. Minumura pa ng karamihan dahil sa kasarinlan na hinaharap ng mundo. Itatanong ko sayo, naniniwala ka ba talaga sa panginoon? O nadadala ka lang ng ibang tao?
If you believe in him, you'll never blame him what is happening in your world. If you believe him, you will accept him wholeheartedly. Hindi naman mahirap maniwala, basta may pananalig ka talaga. Basta tunay ang intensyon mo.
Ang paniniwala ko, siguro kaya nagkaroon ng ganitong pagsubok ang mundo dahil gusto lang ng panginoon na lumapit tayo sa kanya. Magkaisa tayo at maniwala sa kakayahan niya. Siguro nagbigay siya ng ganitong pagsubok para makita niya kung hanggang saan ang pananalig mo sa kanya. Siguro gusto niyang lumapit tayo at humingi ng tulong.
Pero imbes na gawin iyon, mas lalong nagiging malala ang sitwasyon dahil sa mga taong nagdududa sa kanyang kakayahan. Everything in this world, is beyond his hands.
Nagmamadali akong bumaba mula sa third floor dahil sa emergency call. Halos hindi ko pa nauubos ang pagkain ng marinig ko ang alingawngaw ng ambulance sa labas. Kahit gutom pa tumayo ako at uminom ng tubig para bumaba na.
Sa baba naabutan ko ang mga bagong dalang pasyente mula sa hindi ko malaman na lugar. Nakita ko ang mga mukha ng doctor na halos hindi mapakali dahil sa biglaang dami ng cases sa bansa.
"Dr. Costiño wear your mask now." Sigaw ni Dr. Lapidario.
Sinuot ko agad ang mask at tumulong sa pagpapasok ng mga bagong dating na pasyente. Dahil sa biglaang pagdami ng natamaan ng sakit, napuno agad ang sampung kwarto sa ibaba. Napahinto ako ng marinig ang mga iyak mula sa labas ng hospital.
Inabot sa akin ng isang nurse ang personal protective equipment ko, sinuot ko ang kulay puting parang jacket maging ang malaking salamin na nagmistulang proteksyon ko sa mukha. Nilakad ko ang pintuan at patuloy sa pagtulong sa mga taong natamaan ng sakit.
Nakita ko ang iba't-ibang uri ng taong nag positibo sa virus. May matatanda, mga binata at dalaga. May nanay na at tatay. Pero lubos na kinagulantang ko ay ang makita ang isang batang halos mapuno na ng rushes sa katawan.
Napahinto ako at napatitig sa bata. Namumuti na ang kanyang labi at ang mata ay lumalim na. Hudyat na nasa ika limang araw na yata siya ng virus. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay. Napatingin siya sa akin na may butil ng luha ang gilid ng mga mata.
"A-ate m-mamatay na po ba a-ako?" Nauutal na tanong ng bata.
Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, ayaw bitawan at humihingi ng pag-asa sa diyos. Sa boses pa lang niya, nanghihina na ako. Ito ang ayaw ko e. Ang madamay ang mga batang walang kaalam-alam sa sakit. Madamay sila mula sa walang kalaban-laban na sakit.
"H-hindi. Tutulungan kita." Bagama't nanghihina, ngumiti parin ako.
Pagod na ngumiti sa akin ang bata, napansin ko na unti-unting pumikit ang kanyang mata kaya nataranta ako ng bumagsak siya ngunit may braso na sumalo sa kanya. Napatingin ako sa taong tumulong, napahinto din ng makikila ito.
Ngumiti siya sa akin habang kinarga na ang bata. Nakasuot din siya ng katulad ko.
"Tulungan na kitang dalhin siya sa kwarto. Mukhang ilang araw na ang bata simula ng mag positibo. Nakikita na ang sintomas sa kanya." Sabi ni Ruslan.
Tumango ako. Nauna akong naglakad sa kanya. Nasa likuran ko lang siya at nakasunod sa akin. Pumasok ako sa pinaka dulo ng pasilidad at binuksan ang pinto. Mabilis naman niyang nilagay ang bata sa hospital bed at tinignan ng masinsinan.
Lumapit ako sa bata at kinapa ang leeg niya. Nararamdaman ko pa ang pintig niya, ibig sabihin kaya pang maagapan. Dali-dali akong kumuha ng tatlong antibiotic at tinurok iyon sa bata. Una kong tinurok ay para sa rushes, base sa antibiotic na ito. 15 to 20 minutes pa bago umepekto ang gamot. Ang sunod naman ay para sa panginginig ng katawan niya. Anti chill ang binigay ko para makita kung kaya pang mapahinto ng naturang gamot ang sintomas ng sakit.
Kinuha ko ang gunting mula sa maliit kong lamesa at ginunting ang damit niya. Nang matanggal, kumuha ako ng puting hospital gown at sinuot sa kanya. Nahirapan pa ako kasi kailangan buhatin ang bata para maisuot ng maayos ang puting tela. Hindi na ako nagulat ng buhatin ni Ruslan ang bata kaya binilisan ko ang pagsuot ng hospital gown sa kanya.
Dahil sa sobrang bilis ng ginagawa ko. Hindi ko namamalayan ang mga pawis na tumutulo sa noo ko. Mabilis kong kinabit sa bata ang dextrose para hindi siya maubusan ng tubig sa katawan. Huli kong tinurok ay ang vitamins para sa resistensya niya. Tatlong magkakasunod sunod iyon, at maaaring makita ang epekto niya pagkatapos ng isang oras.
Napahinga ako ng malalim pagkatapos ng lahat. Napatingin din ako kay Ruslan na malalim palang nakatitig sa akin. Nagulat yata siya sa bilis ko, maging sa ginawa ko.
Sa larangan ng pagiging doctor. Dapat ay mabilis ka. Dapat kaya mong gawin ang lahat. At dapat may pananalig ka sa taas, sa panginoon. Sa lahat ng gagawin mo, dapat itaga mo sa isip na kasama mo siya. Ang lalaking hindi mang-iiwan sayo habang buhay.
"Kailangan lang natin na obserbahan ang bata. After one hour, we can finally see the effect of those antibiotic in his body. Titignan ko kung kaya pa bang maagapan ang limang araw na pagiging positibo niya." Seryoso kong sabi.
Tumingin ako sa kanya ng tumango siya. He tilted his head while looking at me. I stop looking at him and just focus on my eyes in the child. Nakatayo lang kami sa harap niya at hinihintay ang paglabas ng epekto ng mga gamot.
"Nakakaawa ang ganitong bata. He is very young to suffer like this." He said while looking at the kid.
I swallowed hard. We never know what will happen next. It's God plan and all we have to do is to wait until it finished.
"Paano nagkaroon ng virus ang bansa?" Patanong ko.
I am very curious. I haven't watched the news about the faster dissemination of virus. Awhile ago, it was only outside the country but now we already infected. How does it happen?
I heard his deep sighed. Waiting for his answer. I just read some articles about it but I want a real statement. Yung tunay at hindi peke. The last time I watched television, everything is fine. My country is zero cases. Why is the sudden infected? Does anyone from infected country come home and disseminate the virus here.
"Well base on the DOH, before the lock down of the country may mga nakauwi pa galing ibang bansa. Ibig sabihin may nakapasok pa sa bansa natin na galing abroad and it might be from those passenger, one is positive of the said virus. Madali kasing kumalat ang sakit lalo pat sa tubig at hangin siya umaatake. And it's real, may isang passenger nga from Brazil na nag positibo sa virus at nadala niya dito sa bansa." He said.
Napakagat labi pa ako. Sabi na e. Dapat after mag announced ng States ang total lock down sa kanila, ginawa din sana sa bansa. We should have lock down our country so that, the different country would not be able to inside the country. Hindi ko naman masisisi ang gobyerno sapagkat katuwang ng bansa ang mga makapangyarihan na bansa para sa ekonomiya pero sana inisip muna ng pamahalaan ang posibleng mangyari sa oras ng ganito.
May sapat ba tayong equipment? May mga testing kit ba na gagamitin para matukoy kung positibo ang tao o hindi? May mga machineries ang bansa na maaaring magamit para sa pag gawa ng vaccine if ever gumawa? Wala, dahil kulang ang bansa ng gamit. Kulang pa at hindi talaga handa sa ganitong sitwasyon.
Ano pababayaan nalang ang mga taong tatamaan ng sakit? Like, pabayaan nalang yan kasi anytime mamamatay naman yan e. That kind of perception is very inappropriate. Tao pa din ang mga natamaan at umaasa parin sila na kaya pang maagapan at mabuhay. Umaasa parin na kaya pang mabigyan ng pagkakataon na mabuhay muli pero paano? Kung kulang naman ang bansa ng kagamitan.
Napatingin ulit ako kay Ruslan. Nasa bata ang mga mata niya at tinititigan ito ng mabuti. Pareho yata kami ng iniisip. Pareho kami ng perception. He might thinking the possible happen to the youths, to the innocent children.
"Ang mahirap pa ay ang tubig na ginagamit natin ay infected na ng virus. DOH reported earlier, the water from the two dam is now under investigation. According to the sample they get, the water is conteminated of the virus. They didn't know how does it happen, pero ang tanging nasa isip nila ay ang posibleng natural na tubig lang." He added.
I bit my lips to control my anger. f**k, hindi pa nga nakakahanap ng solusyon nadapuan na agad ang tubig ng Pilipinas. Mahirap pa 'yong tubig na contaminated ng sakit ay pinagkukunan ng supply ng tubig sa buong Luzon.
If that what's happened, then the water must be restricted. It must be lock down until the contamination of virus gone. Pero ano ang gagamitin ng bansa? Saan kukuha ng tubig na gagamitin sa pang araw-araw? Kung yung dalawang malaking dam ay nagdadala na ng sakit.
If I'm not mistaken, Philippines has numerous dam. Siguro hindi pa naman naaabot ng virus yung supply ng tubig sa Tacloban. Pati sa Mindanao part hindi pa naman naaabot ng sakit. If that's the case, then Luzon should get water from those regions.
Nawala ako sa iniisip ng mapatingin sa bata. Nanlaki ang mata ko ng unti-unti nang nawawala ang rushes niya. Lumapit ako at tinignan pa sa ibang katawan niya. Sa bandang tiyan ay wala na, sa hita ay kaunting pula nalang at sa kamay ay wala na rin. Ibig sabihin nito, kaya pang maagapan ng anti rushes ang virus sa kahit limang araw nito.
Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa bata. Salamat panginoon. Salamat at binigyan mo pa ng bata ang pagkakataon. Tumingin ako kay Ruslan na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti siya at lumapit sa amin.
"Is he fine now?" Tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango. Bagama't hindi pa ako sigurado pero isa lang ang nasa isip ko, kapag mawala ang rushes unti-unti ding maghihilom ang ibang sintomas sa loob ng katawan niya. If this will succeed, then this kid is the first positive patient na naka recover. At least may paraan pa para maagapan ang paglala ng sakit sa tao.
If Dr. Severo insist to invent a vaccine, then it would take time. It might take years or even possible maubos muna ang tao dito bago makagawa. As what I heard, this virus is smart. It can survive at least one day in the water or air. So it means, 24 hour siyang buhay sa tubig at pagkatapos ay mamatay kapag hindi nakadapo sa tao.
"He is recovering now. Ang kailangan lang ay malaman kung ano na ba ang nararamdaman niya. Pero malaki ang pag-asa kong maaayos siya at tuluyang gagaling." I said.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango niya. Muli akong napahinga ng malalim bago tumingin sa kanya.
"Let's leave the kid. Babalik nalang ako after hour." Sabi ko at naunang lumabas ng kwarto.
Narinig ko ang sunod na pagsara ng pinto hudyat na sumunod siya sa akin. Wala na akong makitang pasyente pa, siguro nasa mga kwarto na ito. Nakita naman ako ni Dr. Lapidario kaya tumango ako.
"Dr. Costiño how's the kid?" He ask.
I sighed.
"He's recovering now. Kumusta ang ibang pasyente?" Tanong ko.
Sa hindi malamang dahilan, biglang lumungkot ang mga mata niya. Isa lang ang pumasok sa isip ko, they didn't survive.
"Kalahati sa dinala dito ay namatay. Hindi nakayanan dahil sa ilang araw ng positibo ang katawan nila. Dr. Severo said that some of the patients are in the nine days of virus, at ngayon lang dinala dito sa hospital. But there are five patient still lifting their life from death." He said.
Napabuga ako ng malalim. Bakit ngayon lang dinala ang mga pasyente na ito? Bakit sa dinami-dami ng oras, ngayon lang? If they could deliver early, they might survive. We can give them supportive medical. Ano ang nangyari at ngayon lang sila nagpadala dito sa hospital?
"Bakit natagalan?" I said in a very low tone.
"They said, these patients are afraid to believe that they are infected. Yung iba ay nagtago pa at tumakas bago maidala dito. Takot sila sa katotohanan na natamaan sila ng sakit. One reason why? Dahil wala pa daw gamot na gagamitin para magaling sila. Kapag dinala dito, ganun parin naman ang resulta mamatay sila." He said sadly.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumango ako at huminga ng malalim. Bakit ganito ang perception ng tao? Bakit iniisip pa nila ang takot at pangamba? Bakit hinahayaan nila na kunin ang buhay na walang kalaban-laban?
Bakit inuuna pa nila ang takot? Kung naidala sila dito ng maaga, maaaring maagapan pa ang sakit. Maaaring mailigtas pa sila mula sa kamatayan. Yes, there are not hundred percent sure that they will healed, but at least we can give them assurance that they can survive, they can recover.
Bakit ganito ang pananaw ng Pilipino? Nakakatakot isipin na mauubos tayo kapag hindi magtulungan. Wala manlang kalaban-laban.
Umalis ako sa harap ni Dr. Lapidario at lumabas ng hospital. I want to breathe. Masyado akong nagagalit sa ugali ng Pinoy. Gusto kong mabuhay pa sila at matulungan pero paano? Paano ko iyon gagawin kung takot naman sila na tanggapin ang katotohanan na nag positibo sila. How can I help them? How can I help this devastated country?
Huminto ako sa tapat ng puno ng mangga. Tinaas ko ang salamin na tumatabon sa mukha ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingala sa langit. God, in your heart please give these people a strong faith in you.
"Siguro takot lang sila na tanggapin ang sakit." An uninvited voice said.
Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang boses. Katulad ko, nakataas na din ang face google niya. Nakatitig siya sa akin ng malalim, parang hinuhukay ang pagkatao ko.
Dati, ang una kong napuna sa kanya ay yung mata niya. It was hell tantalizing eyes, nakakapanghina kapag nakikipag titigan ka sa kanya. His face discover later but his eyes, it was damn good part of his face. Sa tuwing tinatanggal niya ang salamin sa mata, napapatigil ako sa ginagawa.
Napapatitig ako sa mata niya. Parang gusto nitong tumigil ako sa mga ginagawa at mahulog ako sa mata niya. Naaalala ko, third year highschool ko na siya nakilala noon.
"Siguro takot silang hindi na magamot at mawala nalang. Imbes na pumunta dito at isuko ang sarili, mas pinili nalang nila ang tumago at hayaan na lamunin ng sakit. Minsan kasi ang pinoy inuunahan ng takot at kawalan ng pag-asa sa sarili." Dagdag niya pa habang nakatingin sa akin ng malalim.
How can this man stare at me like I am just an ordinary person? How can he endure to look at me like I am not a doctor? Doesn't he know my status? Diba sinabi sa kanya ni Many Gerard ang posisyon ko sa mundo.
I swallowed hard. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinirmi nalang sa maaliwalas na langit. Matagal ko na siyang kilala, nakasama ko pa nga sa highschool life ko. Pero yung pagkalapit namin sa isa't-isa ay nawala na dahilan kung bakit hindi na ako komportable sa kanya.
Noon nabibigay ko sa kanya ang tunay kong ngiti, napapatawa niya ako at napapaligaya pero ngayon, feeling ko bumabalik ako sa nakaraan na masakit pa sa puso ko.
---
Alexxtott