Kabanata 5

4482 Words
Kabanata 5 Never I shouldn't feel this. He is just the past person I have met. He's just belong to my past, nevertheless nothing. Ayoko nang bumalik sa panahon na muntik ko na siyang mahalin. Muntik ko nang maiwala ang sarili kung hindi lang ako nabalik sa tamang pag-iisip. He is just a past! Hindi ako sumagot sa kanya at hinayaan nalang siya sa pagsasalita. The more I talk to him, the more he'll come back to my senses. "Naalala mo nung una kitang nilapitan sa library? It was awkward and...I'm feeling fainted that time," He said. Napalunok pa ako. Kinagat ko na din ang labi at ang kamay ay kumuyom na. Sabi nang ayoko nang bumalik sa panahon na iyon! "Ang taray mo pa at mahirap mapapansin. You are like a stars, hard to reach." He added. Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamay. "Tapos ako lang yung kaisa-isang lalaki na pinan--" "If you'll excuse me, I gotta go." Malamig kong sabi. Nabitin sa ere ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Lumakad na ako palayo sa kanya. Palayo sa mga sinasabi niya. Ayokong marinig ang kahit na ano tungkol sa nakaraan ko. Ayokong maalala iyon. "Doc teka lang. Hintay naman oh!" Narinig ko pang habol niya. Hindi ako lumingon at naglakad lang papasok ng hospital. Sumakay na din ako ng elevator para mabilis na makarating sa room-base ko. Pagkarating sa kwarto, nanghihina akong mapaupo sa kama. Nangilid din ang luha habang sumisiksik sa utak ko ang nakaraan. Ang nakaraan na masakit dahil sa lalaking iyon. Then past flashed in my mind again, after seven years. It was our vacant time when I decided to visit the library. Tuwing vacant lang kasi ako nakakapunta dahil sa sobrang dami ng ginagawa sa academics. Pumasok ako sa library namin at ngumiti sa akin ang librarian. I smiled back. "Good morning Delrose." Magiting na bati sa akin ni Ma'am Obrio. Ma'am Obrio is the librarian here. She holds this library almost a decade now. At mabait siya, she let me borrow some books kahit pa hindi pwede. I smiled at her again. "Morning ma'am." I greet her also. "You've been busy, haven't seen you around." She said. "Just got busy with my academic ma'am. Ngayon lang ulit nagka vacant." Sagot ko. Tumango lang siya at ngumiti ulit. Pumasok na ako at hinanap ang paborito kong upuan. I put my bag on my table, pang dalawahan iyon pero wala naman umuupo dahil takot yata sa akin. Well, I'm not a really a snob or strict. Sadyang hindi lang talaga ako namamansin kapag hindi naman kailangan ang nilalapit sa akin. Kung magtatanong lang about sa lunch ko or even about personal life, I ignore it. Wala akong oras sa mga ganyan. Hindi naman ako huli sa mga balita, sa katunayan naririnig ko iyon sa mga classmate ko. I am always their talk of the day. Minsan naririnig kong pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga gustong manligaw sa akin. Sa may mga gusto sa akin, pero nagkikibit-balikat nalang ako. Those kind of topic is very useless and not worth to hear. Ang dapat atupagin ay mag-aral ng mabuti at ibigay ang lahat sa pag-aaral. Makakatulong pa sa pamilya. Tumayo na ako at naghanap ng mga libro sa bookshelves. Ang napili ko ay tungkol sa economics, and anthropology. Hawak-hawak ko ang dalawang libro ng bumalik ako sa upuan. Umupo ako at nagsimula ng magbasa. Busy'ng busy ako sa pagbabasa ng may biglang tumapat sa harapan ko. Inangat ko ang ulo at nakita ang isang lalaking nakasuot ng salamin. He hold a bundle of book, and bag on his back. He look at me with smiling face. For the first in history, may mapangahas na lumapit sa upuan ko. At parang hindi pa yata natatakot ang isang ito. Bagama't alam kong pinagtitinginan na kami ng tao pero siniwalang bahala ko iyon. Tumingin ako ng malamig sa lalaking matapang na nakaharap sa akin. "Hi. Pwedeng umupo?" Nakangiti niyang sabi. Mas lalong naging malamig ang tingin ko sa kanya. Pansin na pansin ang daming vacant na lamesa. What is he up to? Trying to hit me? "No." I said coldly. Mas lalo siyang ngumiti na kinatahimik ko. At may gana pa siyang ngumiti ah! Is he not afraid to me? "Alam mo miss, mas masarap magbasa kapag may kasama ka. It's better and reliable haha." He said while smiling. Napatigil ako at napatitig sa ngiti niya. It was genuinely. Walang bahid ng anumang intensyon. Para bang gusto niya lang na umupo at magbasa kasama ako. Napaisip ako. Tama naman siya! Wala namang masama kung tumanggap ako ng kaibigan. Tutal tatlong taon na ako dito sa paaralang ito, hanggang ngayon wala parin akong nagiging kaibigan. Well, in my cases it is not matter to me. I'm okay being alone. Being misfit. Having myself alone is better because I know, at the end of this world it's just only you. Only you, who'll save you. But today, I just realized after so freaking three year, I can have a friend. Looking this guy in front of me, he looks good and friendly. Walang bahid ng anumang intensyon. He just want to be friend with me. Sa unang pagkakataon, pinakita ko sa kanya ang ngiti ko. Natigilan pa siya at natahimik habang pinagmamasdan ang tunay kong ngiti. Para bang na-amaze siya habang nakatingin sa mga ngiti ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa kanya ko palang pinakita ang mga ngiti ko. I'm not really good at socializing. Even giving smile, it always end a fake. Kahit sa company ni papa tuwing may selebrasyon, pekeng ngiti lang ang ginagawad ko. My father is a great Marine biologist, he mastered his field at Campbridge University, United States of America. Sa tuwing may karangalan sa kanya, tanging pekeng ngiti lang ang kaya kong ibigay. Going back to this man, he was the first who saw my real smile. At kaya yata siya napatigil dahil doon. Napatingin ako sa mukha niya, he was just a plain. Walang bakas ng karangyaan at tanging uniform lang namin ang maaaninag sa kanya. He wear very simple, just like some poor boy out there. He wore a thick eye glasses, is he already an eyesighted? Ang bag ay luma at halatang hindi pa napapalitan simula ng magamit. Ang uniform ay gusot pa, halatang hindi napla-plantsa. Hindi siya maputi, hindi rin naman maitim. Matangos ang ilong ngunit may mga pimples sa pisnge. Maganda ang labi pero kasing puti ng suka, walang kabuhay-buhay. Mataas siya ngunit kasing payat ng mga palaboy-laboy sa lansangan. Parang kinukulang sa pagkain, at hindi nabibigyan ng maayos ang katawan. His eyes was very deep. Kahit pa may sagabal na salamin, nakikita ko parin ang ganda ng kanyang mata. His eyelashes was long, and a little mold under his lower lip. Hindi naman marami ang tigidig niya sa mukha, let's say muntik ng masakop ang kabuohan ng mukha. Pero kahit natatakpan ng pimples, makapal na salamin sa mata nakikita ko parin ang mukha niya sa oras na mag matured ito. Pumungay ang mata ko habang ang mata niya ay lapastangan na nakatitig sa akin. "Ang ganda mo lalo kapag may ganyang ngiti." He said softly. Ngumiti pa ako at natuwa talaga sa sinabi niya. I sighed. Maybe this is the right time to let someone be friend with me. "Okay. I'll let you seat with me." Mahinahon kong sabi. Mas lalo siyang ngumiti at umupo sa harap ko. Nilagay niya ang bundok ng libro sa harap ko at ang bag ay sa tabi ko naman. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga istudyante na nanonood sa amin. Shocked written on their faces. Napatingin ako sa bag niya, isa iyong luma na kulay gray na converse. May mga punit-punit din sa gilid animo'y nagpapahiwatig na dinaanan na ito ng ilang taon. "Thank you ha! Mabait ka naman pala, akala kasi ng marami mataray ka." Sabi niya habang nagsisimulang buksan ang unang libro niya. I rolled my eyes. I'm not shocked! Kahit hindi niya sabihin, ramdam na ramdam ko iyon. It doesn't really matter to me. I don't need their attention. "Anong grade ka na?" Tanong niya pa ulit. Madaldal pa yata ang payatot na ito. Sunod-sunod ang pagsasalita. I smirk. "Grade nine." I answered politely. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Isa din sa mga napansin ko yung ngipin niya. Maputi at pantay-pantay. Parang endorser ng kilalang toothpaste at nasobrahan ang paggamit kaya ang ngipin ay maputi. Sumabay pa ang nunal niyang maliit sa ibabang bahagi ng labi niya. He is handsome, behind those pimples he has a face. "Ako rin, grade nine na. Anong section ka?" Tanong niya pa ulit. Kumunot ang noo ko. Himala at may isang tao pa pala ang walang alam sa akin. "Section Saint Rita ako, class advisory of Mss. Baladares." Sagot ko naman. Ang sectioning kasi dito ay pangalan ng mga saints. Sa grade nine level lang yan. Sa grade ten ay Gods and Goddesses naman. Tumango siya at ngumiti ulit. Maganda talaga ang ngiti niya, kapag kasi gumuguhit ng ngiti ang labi niya, sumasabay sa pagpungay ang mata niya. "Ahh. Nasa section St. Jude naman ako. Kay Mr. Mabesa class advisory." Sabi niya naman. Kaya pala hindi ko siya madalas makita dahil nasa third floor ang room nila. "Ruslan Alzarte ang pangalan ko. Ikaw?" He already introduce himself. I smiled. Ruslan Alzarte, a typical nerd. A plain man. A poor and thin. Walang kapas sa buhay, at nagpapatuloy para makaahon. "Delrose Costiño. Nothing special, just a typical girl." I said. He smiled again. Inabot niya sa akin ang kamay niya, gusto pa ata makipag shake hands. I held it and we change a shake. Sa pagkakalapat palang ng palad namin, nasiguro ko nang babad sa trabaho ang kamay niya. Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang kamay, halatang sinubok ang napakaraming trabaho. May sugat pa sa isang daliri niya, napatitig ako doon. "Nice knowing you Delrose Costiño." He said softly. "Me too, Ruslan Alzarte." Napatitig pa ako sa daliri niyang may sugat. Is he working? Bakit ganito kagaspang ang kamay niya? Para bang babad na babad sa pagtratrabaho. Nagbitawan kami ng kamay kaya umayos ako ng upo. Nakatingin parin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Hindi nalang ako nagsalita at nagbasa nalang kasama siya. Naging magaan ang araw kong iyon dahil nakilala ko siya. Masarap na kasama at madalas pang magpatawa. Kaya simula ng nangyari sa library, palagi na kaming magkasama. Kapag may vacant ako, sa library kami nagkikita at minsan nililibot namin ang buong school. He was good companion. Joker and I am very much comfortable. Sa araw-araw naming pagkikita at pagsasama, halos kalahati ng pagkain ko ay hati kami. Isang araw sa lilim ng punong acasia, magkatabi kami habang kumakain ng lunch. Nakaugalian na kasi naming sabay kumain sa lunch at minsan sabay umuwi. Kinuha ko ang bag at may hinalungkat sa loob. Nang mahawakan ko na ang kinukuha, nilabas ko ito at inabot kay Ruslan. Napatingin siya doon habang may saging ang kanyang bibig. Ngayong araw ay wala siyang baon na pagkain kaya dinamihan ko ang baon. Nginuya niya muna ang saging bago tinuro ang inaabot ko sa kanya. "Ano yan?" He ask curiously. I smirk. "Vitamins para sayo. Pang pa laki ng katawan, ang payat mo kasi kaya dapat umiinom ka nito." Sabi ko. Hindi niya pa inabot ang binigay kong vitamin siguro dahil nahihiya na. Inabot ko ang kamay niya at nilagay doon ang isang bote ng binili kong vitamin. Nakatitig parin siya sa akin habang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Nagtanong pa ako kay mama kung anong mabisang vitamin para sa katawan, kaya nung ni-recommend niya iyon sa akin ay bumili agad ako. Hindi naman siya mahal. Naubos lang naman ang baon ko para sa isang araw. Pero wala na iyon sa akin, basta para sa kanya. "H-hindi mo na kailangan gawin ito Delrose." Nautal niyang sabi. Napatingin ako sa mata niya, namumula iyon kaya inabot ko ang makapal niyang salamin at tinanggal sa mata niya. Yumuko pa siya ng hindi na makayanan pa, ngumisi ako dahil sa kanya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng saya at inabot sa kanya. "Asus umiiyak ka pa. Alam mo gusto kong magkalaman ka, grabe ang payat-payat mo. Gusto ko pagkatapos ng junior high natin, mataba ka na para may mapisil naman ako sayo. Puro buto ka kasi eh!" Panunukso ko sa kanya. Umangat siya ng tingin kaya nakita ko ang mata niya ng malapitan. Punong puno iyon ng mabigat na luha. I smiled. "Wag ka ng umiyak okay! Mas lalo kang pumapanget e." Tukso ko pa ulit. Pinunasan ko na ang mata niya gamit ang panyo ko. Tumango siya habang hinahayaan ako sa pagpupunas ng luha niya. "S-salamat. Maraming salamat!" Sabi niya. I smiled again. He make me happy everyday. He made me realize that life must be wonderful. He made me think that I shouldn't be so snob and strict. He take away my principles, and now I felt something inside my heart. Mas masaya palang kasama ang tulad niya kaysa sa mga gwapong lalaki. Mas masaya pala ang mga palatawa kaysa sa porma-porma lang. He made me felt something inside my heart. And I couldn't name it yet. "Walang anuman. Inumin mo yan araw-araw ah! Isang tableta kada isang araw okay." Sabi ko. Ngumiti ulit siya habang nakatingin parin sa akin. Ngayon ko na masasabi na gwapo siya kapag tititigan mo ng matagal. Sa mga mata palang, malalaman mo na. He is handsome in his own way. Dumalas pa ang pagkikita namin at sabay sa pagkain ng lunch. May araw na magkasama kami buong araw, minsan busy siya sa academics niya kaya naiiwan akong mag-isa sa library, minsan naman ako 'yong busy kata hindi ko na siya nasisipot sa meeting place namin. Pero kapag may oras at tapos na sa mga gawaing pang akademiko, nagkakasama naman kami. Balitang balita nga kami sa buong school, anya'y boyfriend ko na daw siya. Napapangisi nalang kami. Aminado akong wala siyang gusto sa akin, pero ako...I have crush on him now. Hindi ko iyon itatanggi kasi first time kong magka crush sa lalaki. At hindi ko rin siya ikinakahiya, kahit siya pa ang pinakamahirap sa mundo...wala akong pakialam, basta'y gusto ko siya. Umabot ang pagiging magkaibigan namin hanggang sa nag grade ten kami. Ganun parin ang takbo ng araw namin, magkasama sa lunch at sa library tapos sabay umuwi minsan. Hindi parin kami pinalad na magkasama sa isang section, nasa Apollo siya at Demeter naman ako. Ang sayang nararamdaman ay nanatili sa aking puso. Hindi ko man sabihin sa kanya pero umukit talaga siya sa puso ko...sa buhay ko. Hanggang isang, tila ang magandang pagsasama ay nasira ng maging malamig siya sa akin. Isang linggo siyang nawala at hindi nagpakita. Naapektuhan na rin ang pag-aaral niya dahil sa mga absent. Nagtanong na rin sa akin ang adviser niya ngunit ang sagot ko ay hindi ko alam. "He didn't showed up in our meeting place ma'am. And even in the library. I don't know what is happening on him, maybe he just got a problem." Palagi kong sagot ang mga teachers. Kaya dahil sa sobrang inis at galit sa biglaan niyang pagkawala, pumunta na ako sa bahay nila. Gusto ko siyang kausapin kung ano ba talaga ang problema niya, kung bakit hindi na siya nagparamdam sa akin. Sa sobrang bigla, nadatnan ko siyang buhat-buhat ang isang sakong palay. Nagtago ako at pinagmasdan pa ang ginagawa niya. Wala siyang damit pang itaas at ang buong katawan ay basang basa na ng pawis. Binubuhat niya ang mga palay galing sa malaking truck at nilalagay sa isang abandonadong pasilidad, siguro iyon ang lalagyan ng palay. Napalunok ako habang patuloy sa pagmamasid sa ginagawa niya. Kitang-kita ko ang paghihirap niya sa tuwing nagbubuhat ng isang sakong palay. Hindi maipinta ang mukha sa bigat ng pinapasan niya. Ang pawis ay patuloy na tumutulo sa mukha hanggang leeg. Dahil sa nasasaksihan, nangilid ang luha ko habang pinagmamasdan ang paghihirap niya. Ito ba ang trabaho niya? Kaya ba mapayat siya kasi halos kainin ng bigat ang laman niya? Kaya ba magaspang ang kamay niya dahil sa trabaho? Kaya ba hindi na kami nagkakasama kasi kailangan niyang kumayod? Nasasaktan ako sa lubos na nalaman. Ganito ba ang buhay niya sa likod ng unipormeng sinusuot? Ganito ba ang sunusuong niya sa araw-araw? Pinahid ko ang luhang tumakas at pinagmasdan pa ang ginagawa niya. Tumayo ako ng mabuti at inayos ang sarili. Mahigpit kong hinawakan ang bag habang lumalapit sa kanya. Napansin na ako ng ibang trabahador habang siya naman ay hindi pa. Naririnig ko na din ang pagsipol ng ibang lalaki sa loob ng truck kaya iyon ang nagbigay rason kung bakit siya humarap sa akin. Gamit ang pagod na pagod na mata, pawising katawan pumikit siya ng makita ako. Lumunok ako bago mas tinapangan na lumapit sa kanya. Kitang-kita ko din ang bawat paggalaw ng adams apple niya. Napansin ko din na unti-unting nagkakalaman ang braso niya. Ang tiyan na puno ng pawis ay umumbok na rin siguro dahil sa binigay kong vitamin. Ang kanyang maliliit na abs ay halos hindi na makita dahil sa pawis. Hindi niya din suot ang makapal na salamin at parang walang bakas ng pagka nerd sa mukha niya. Nang makalapit, ngumiti ako na kinatigil niya sa paglunok. Pinasok ko ang kamay sa bulsa ng saya at kinuha ulit ang panyo ko. Lumapit pa ako sa kanya at pinahid ang pawis mula sa leeg hanggang dibdib. Pumikit siya sa ginawa ko. Nang imulat niya ang mata, mapupungay iyon at kahit pagod ngumiti parin sa akin. I miss him badly! I miss him being with me all the day. I miss his jokes. I miss his smile. I miss him being with me. Sa isang linggong lumipas, wala akong ibang maisip kung 'di ang lalaking ito. Natutuliro ko dahil sa hindi malamang dahilan. Gustong gusto ko siyang puntahan at tanungin kung bakit ba kami nagkakaganito? Sa isang linggong lumipas, wala akong kabuhay-buhay. "I miss you...badly," Mahina kong sabi. Mas lalong pumungay ang mata niya. Hinawakan niya na din ang braso ko at iginiya palayo sa mga lalaking nakatingin sa amin. Punong-puno ng dumi ang kulay puti kong panyo, pero natuyo naman ang pawis niya. "Bakit ka nandito?" Napapaos niyang tanong. Tumitig ako sa mata niya. Naaawa ako sa kanya at gusto ko nalang siya tulungan. Tulungan sa paghahanap buhay habang nag-aaral. "Gusto kasi kitang makita. Isang linggo ka nang absent Ruslan." Mahina ko paring sabi. Pumikit siya at hinawakan parin ako ng mahigpit. He swallowed hard before he opened his eyes again. "Pasensya na. Nagkasakit kasi si tatay at kailangan kong pumalit sa kanya sa paghahanap ng pera. May kapatid akong nagugutom kaya mas kailangan ko ito bago ang lahat Delrose." He said in a serious tone. Tumango-tango ako at naintindihan naman ang rason niya. It's understandable and acceptable. Kung ako rin naman sa sitwasyon niya, I will do the same. If my parents needs my help, then I'll willingly give it. I'll willingly help them. "It's okay. I will just excuse you to your teachers. Hanggang kailan ka mawawala?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim bago umiwas ng tingin sa akin. Napalunok ulit ako. "Baka hindi na ako makabalik Delrose. Uunahin ko ang pamilya kaysa sa pag-aaral. Uunahin ko ang pagkain namin kaysa sa libro at papel." Malamig niyang sabi. Natulala ako saglit pero nakabawi ng mas lalong pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Hindi na siya babalik? Ibig sabihin, titigil na siya sa pag-aaral ganun ba? Hindi pwede. "Don't you dare do that Ruslan Dominico Alzarte. Mahalaga parin ang pag-aaral Ruslan, kahit pa ganito ang nangyayari sainyo dapat iniisip mo parin ang kinabukasan mo." I said harshly. Umiling iling siya bago ako tinignan ng madilim. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon ko lang nasilayan ang pagpapalit ng mata niya. Napatigil ako at nanghina. "Ano pang silbi ng kinabukasan ko kung mamatay ang pamilya ko sa gutom Delrose. Ano pang silbi ng tanginang diploma na yan kung mawawala naman sa akin ang pamilya ko. Mapapakain ba kami nyan ah? Mabubuhay ba ang pamilya ko dyan? Hindi Delrose, hinding hindi." Huminto siya at tumingin sa akin ng galit. "Palibhasa mayaman ka at kayang kaya tustusan ng pamilya mo ang pangangailangan niyo. Kayang kaya kang pakainin ng magulang mo ng masasarap, at hindi mo nakikita ang pinaglalaban ko. It's the health of my family over that f*****g piece of paper." Malutong niyang mura. Sa sobrang bigla, nasampal ko siya ng malakas. Bakat na bakat sa pisnge niya ang palad ko, tila'y inukit 'yon doon. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Ngumisi siya sa akin at umiling. "Kahit baliktarin mo pa ang mundo natin, salungat parin ang mundo ko. Nasa ibaba parin ako Delrose, at patuloy na mahihirapan na gumapang palapit sayo." Malamig niyang sabi. Tumulo ang luha ko. Tinalikuran niya ako at umalis siya sa harap ko. Narinig ko pa ang tanong ng mga kasamahan niya. "Ah ka-schoolmate ko lang tol. Nagulat yata at nagtratrabaho ako dito haha." Sagot niya. Bumuhos ang napakarami kong luha, dahil sa sobrang lungkot at galit na nararamdaman tumakbo ako palayo sa kanya. Sumakay ako ng habal-habal paalis sa lugar niya, paalis sa taong mahirap ko ding abutin. Nagmukmok ako sa loob ng kwarto, hindi lumabas at tanging iyak lang ang ginawa ko buong weekend. Nag-aalala na din sa akin ang magulang ko ngunit lagi ko lang sila pinapaalis. Puno ng luha ang mata, napatingin ako sa picture frame naming dalawa. Pareho kaming nakangiti habang kinukunan ng larawan. Masaya pa kami ng araw na ito, wala pang bahid ng lamat ang pagsasama namin. Kaya nung dumating ang lunes, pinilit kong bumangon sa higaan at maligo. Kahit ayaw at tinatamad, kailangan ko parin mag-aral. Pipilitin kahit mahirap sa damdamin ko. Bumaba ako mula sa kotse ni papa. Ngumiti pa ako ng malungkot sa amang naghihintay ng ngiti ko. Kumaway pa siya bago umalis sa harap ko. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papasok ng school. Ito ang unang araw na hindi ko na siya makakasama at makikita. Ito ang unang araw na wala na ang pagsasama namin. Pababa na sana ako ng hagdan ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa likod at halos matuod pa ng makita ang lalaking may makapal na salamin sa mata. Suot-suot ang gusot na uniform at may tatlong dalang libro sa braso. Napangiti ako habang nangilid na ang luha sa mata. Sa sobrang sayang nararamdaman, tinakbo ko ang distansya namin at yinakap ko siya ng sobrang higpit. Lumandas na rin ang luha ko. "Haha oh kalma lang, buhay pa ako." Patawa niyang sabi. Bumitaw ako ng yakap at tumingin sa kanya kahit pa may luha ang mga mata. Pumungay ang mata niya habang nakatingin sa akin. May kinuha siya sa bulsa ng slacks niya at nakita kong isang panyo iyon. He gently wiped my tears. "Naku hindi dapat umiiyak ang Delrong ko haha." Panunukso niya. Napangiti ako ng marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Minamali niya talaga para daw siya lang ang tumawag sa akin nyan. Kinurot ko ang balikat niya. "Nakakainis ka Ruslang." Nakanguso kong sabi. Napangiti ulit siya ng marinig ang tawag ko. Siya ang nagpasimuno nyan kaya ginaya ko sa pangalan niya. Delrong sa akin at Ruslang sa kanya. "Alam mo bakit hindi nalang tayo sumayaw ng katulad kay Kris Aquino, yung downy advertisement niya." Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Paano nadawit si Kris Aquino dito? Ano bang ibig niyang sabihin? "Ah? Paano?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi talaga makuha yung connection niya. At nandawit pa ng panauhin ah! Ngumisi siya sa akin at tumayo ng maayos. Tumingin naman ako sa kanya ng masinsinan. "Ganito. One, two, three... Let's do the rabadabado downy's rabadabado bango bango bango." Pagkakanta niya sabay sa paggaya nung sayaw ng artista. Hindi ko napigilan at bumulusak na ang napakalaki kong tawa. Napahinto naman siya at tinignan ako habang hinahabol ng tawa. Shete yung mukha niya nakakatawa. "Hindi mo siguro nakuha yung ibig sabihin nun." Sabi niya. Tumigil ako sa pagtawa at tinignan siya ng nanlalaki ang mata. Ibig sabihin, meron siyang gustong ipakita sa ginawa niya. "Ano naman?" Natatawa ko paring tanong. Ngumisi siya. "Diba Del ang pangalan mo, kaya downy kasi magkaaway kayo sa damit haha." Sabi niya habang tumatawa. Napatigil ako habang pinagmamasdan siya. Seryoso ba talaga siya? Yun ba ang ibig niyang sabihin? Yung gusto niyang ibig sabihin? Yun na yun? Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin habang yung mata naluluha pa. Tawang-tawa yung mokong! Di ko naman gets yung joke niya. "Tara na nga. Ang slow mo pala haha." Sabi niya at inakbayan na ako. Simula nun naging masaya na ulit ang araw ko. Gumaan ang pakiramdam at naging masigla na ulit ako. Hindi na rin siya nag absent at pinili na ang pag-aaral ngayon. Ika'y tama daw ako, kung kakayod lang siya at hindi mag-aaral mawawalan ng saysay ang buhay niya. He can feed his family while working and studying. Everyday we filled it with different memories. Everyday I fall harder. Every single day, I just fall in love with him. And that's the greatest thing happened to me. To meet him, and to love him secretly. Napangiti ako ng maalala lahat ng iyon. That was happened seven years ago. Lahat ng masasayang alaala ko noong junior high ako, lahat ng iyon ay mahalaga sa akin. Kahit pa sinaktan niya ako. Kahit pa mas pinili niya ang ibang bagay kaysa sa akin. Umiling ako at pumikit ng mariin. I shouldn't really think it. It was past and never been returned. He was just my past. My great past. At hanggang doon nalang iyon. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo ako at binuksan iyon. Muntik pa akong mapaatras ng makita ang lalaking bumalik sa alaala ko kanina. Ruslan wearing his personal protective equipment and face google, he eyes look at me intently. Hindi katulad noon, malalim iyon at totoo. "Yes?" Walang emosyon kong tanong. He closed his eyes then open again and look at me directly. I swallowed hard, ignoring those eyes that make me fall hard back then. "Yung bata nagising na. You want to check him?" Sabi niya. Huminga ako ng malalim at tumango nalang. "Okay. I'll be there after minutes." I said. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, sinarado ko ang pinto at pumikit ako ng mariin. Fuck it Delrose Visitacion Costiño, you have to focus on your work. That man doesn't help me. Binabalik niya lang sa akin ang nakaraan. And that's not good. Never. --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD